Chapter 7

5 2 2
                                    

3rd week na ng pasukan ngayon. Pansin ko lang masyadong malapit ang loob ko sa mga ka- klase ko.

Para akong zombie na naglalakad ngayon dito sa field. Pano ba naman kasi, di ko na ata alam anong ibig sabihin ng tulog. Inaasikaso parin namin yung sa Basketball players at naghahanap kami ng bago at magaling na coach. Idagdag pa yung folders sa office ko.

"Papatayin ko talaga ang nakaimbento ng folders" sabi ko.

Bigla nalang may umakbay sakin kaya natapilok ako.

"Aray punyeta" sabi ko at nilingon ang hinayupak na may gawa nun. Si Joseph the Suman pala. Ngiting ngiti pa siya habang naka harap sakin. Sobrang proud sa ipin niya.

"Morning" sabi niya "Oh?" Nagulat na sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Sabi ko naman kasi sayo wag mokong iniisip bago ka matulog. Ayan tuloy di ka nakakatulog" sabi niya.

"Ano?!" Gulat na tanong ko.

"Yung eyebags mo may eyebags din oh" sabi niya at dinutdot yung ilalim ng mata ko

"Aray!" Sabi ko at hinampas siya.

"Di ka ata masyadong nagtataray ngayon?" Sabi niya at tumawa.

"Wag kang presko, ready parin akong manapak" sagot ko "Piggy back mo nga ako" sabi ko sabay tumalon sa likod niya.

"Hala, Hoy!" Saway niya.

"Tara na Vrooooom" sabi ko at tumawa.

"Boyfriend ba yan ni Marga?"

"Ata, sweet nila eh"

"Anong trip nila? Balak niya bang buhatin si Marga hanggang 5th floor?"

"Di na ako magugulat kung gugulong sila pababa mamaya"

"Bumaba kana Marga, hindi kana bata. Ang bigat bigat mo kaya" sabi niya at nagtatalon.

"Ang kapal naman ng feslak mo. Ang sexy ko kaya mahiya ka naman sa mga sinasabi mo" sabi ko

Kumapit ako ng sobrang higpit sa kanya, yung parang tuko ^~^. Di din nagtagal huminto siya sa kakatalon.

"Ano?! Pagod kana? Tara na kasi" sabi ko at niyugyug siya

"Oo na wag ka malikot" sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang legs.

Naalala ko tuloy si kuya. Kumuha siya ng panyo sa bag niya at nagpunas ng pawis.

"Tara na vrooooooooom" sabi ko at niyugyug ulit siya.

:-D :-D :-D :-D :-D :-D :-D

Nasa 4th floor na kami ngayon

"Ano ba wag kang babagal bagal baka nandun na si Sir" sabi ko

"Wag ka sabing malikot" sabi niya.

Malapit na kami sa room nung biglang may lumipad na sapatos galing sa room namin.

"ANO BANG PROBLEMA MO?"

"NAPAKA MANYAK MO KASI HAYOP KA"

"WALA AKONG GINAGAWA SAYO"

"GAGO KA ANDAMI MONG PALUSOT"

"INOSENTE AKO"

"DAMPUTIN MO YUNG SAPTOS KO DUN!"

Di nagtagal may lumabas na kaklase namin sa room.

"Ano namang trip yan?" Sabi ni Duane habang hawak ang sapatos na pang babae.

Im His CurtainWhere stories live. Discover now