Chapter 15

2 0 2
                                    

Margaret's P.O.V.

2months na rin ang nakalipas mula ng makilala ko ang mga tinuturing kong kaibigan ngayon. Yes, nakikipagkaibigan na ako ^___^ Dati akala ko hindi na darating ang panahon na magkakaroon ako ng kaibigan maliban kay Ate Jov. Ang saya sa pakiramdam na makasama sila.

"Hoy hinayupak ka sasapakin na talaga kita"

"Sorry na"

Tulad ngayon nagbabangayan na naman si Sheryl at Duane. Habit na ata nila yan, hindi kasi natatapos ang araw na hindi sila nag-aaway. Andito kami sa dating dance studio dito sa 6th floor.

"Lalim ng iniisip natin ah?" Sabi ni Mark at tumabi sakin.

Nasa gilid lang kasi ako pinapanood ko sila. Si Bianca, Charmaine, Kervy , Sharwin at Jhon sumasayaw. Yung iba nakahilata habang nag se- selpon, kumakain, nag-aasaran. Yung iba naman tulog.

"Masaya lang sila pagmasdan" sabi ko at sumandal sa pader.

"Oyy si Marga lumalambot" sabi niya at medyo lumayo sakin habang uma- aktong nagulat.

"Badtrip ka! Minsan na nga lang eh" sabi ko at hinampas siya. Tinawanan niya lang ako iniz!

"Asan na kaya si Joseph at Paul noh?" Tanong niya.

Mag to-two weeks na rin kasi mula nung last na pumasok sila Joseph at Paul. Minsan din pumasok sila na may benda ang kaliwang balikat ni Joseph, habang may pasa naman si Paul sa kanang pisnge. Si Russell din hindi ko nakikita this past 2weeks.

"Sana okay lang sila" sabi ko at tumungo.

"Wooooaaaah" napalingon naman ako sa kanya ayon na naman kasi yung mukha niya na parang nagulat.

"Ano na naman?" Inis na tanong ko sa kanya. Nakakabadtrip toh! Depungal.

"Malambot ka na nga" sabi niya.

"Para kang tanga" sabi ko sa kanya at tumayo. Lumapit ako dun sa mga sumasayaw.

"Sali ka?" Tanong ni Bianca

"Ano ba steps?" Tanong ko.

"Ginagaya lang naman namin yung nasa video" sagot niya.

"Game" sabi ko.

"Talaga? Ano laro?" Ngiting tanong sakin ni Sharwin. Kaya ayun nabatukan siya ni Charmaine.

"Umayos ka nga" sita sa kanya ni Charmaine.

"Ma-ayos naman ako ah" sabi niya habang naka-hawak parin sa batok niya.

"Ayan na from the start" sabi naman ni Jhon.

Sumayaw ulit sila samantalang ako hinahabol pa yung steps sa video kasi ngayon ko lang siya napanood.

*************************

"Yeeeeeheeey" sabi ko habang pumapalakpak. Nakabisado ko na kasi yung sayaw.

"Sige nga ikaw lang muna" sabi ni Jhon.

Pinatugtug na nila yung music tas syempre nag- start na akong sumayaw.

"Mali yung galaw ng paa mo" sabi ni Kervy at lumapit sakin.

"Ganto muna tas igaganto" sabi niya habang dini- demonstrate yung moves.

Sinundan ko lang yun ng sinundan hanggang sa nakuha ko na.

"Okay na?" Nakangiting tanong ko.

"Oo" sabi niya.

"Ang swag mo masyadong sumayaw buti pa ako hoooot" sabi ni Charmaine habang umaktong nag-model sa gitna naming 5.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Im His CurtainWhere stories live. Discover now