Chapter 12

3 1 0
                                    

Margaret's P.O.V.

Andito kami ngayon sa Ice cream parlor nina Raikko. Ayon nga siya ngayon busangot na busangot eh. Parang laging may galit sa mundo ang taong to.

"HAHAHAHA thankyou" sabi ni Mark pagkadaan sa harap ni Raikko.

Tinarayan lang siya ni Raikko at bumalik sa pagkain.

Ipinasarado muna yung Ice cream parlor nila kasi andami namin. Tsaka ang gugulo ng mga ugok na ka-klase namin.

"Pa- refill" sigaw netong katabi kong suman

Ang kapal ng mukha. Kala mo naman talaga nagbabayad siya.

"Ako na nga lang kukuha. Pagsisi- sihan niyo na hindi niyo ako ikinuha" sabi niya at tumayo.

"Joseph, ako din isabay mo" sabi ko

Ayiiiieeeut isa rin akong makapal ang mukha ^~^ Marahas niyang inagaw sakin yung baso ko, tsaka naglakad papasok sa kitchen kung san ginagawa ang mga ice cream. Heaven

"Na-alala ko nung first day antaray pa ni Marga" sabi ni Rocelio at sumubo ng Ice cream.

"Gago ka! Ice cream ko yan eh" sabi naman ni Vet. Dinamay pa pangalan ko nambuburaot lang pala siya.

"Ay sayo ba yun sorry" sabi niya at kumain dun sa isa pang baso.

"Tangina men, mahiya ka naman. Ice cream ko yan" sabi ni Bianca sabay hampas sa kanya.

"Sorry na" sabi niya at isinubo yung kutsara na walang laman

"Kumuha ka kasi dun" sabi sa kanya ni Sharwin

"Ayoko busog na ako" sabi niya at tumawa.

"Parang baliw" bulong ni Alicia.

"Uuwi na ako" sabi ko at tumayo.
Bigla ding tumayo si Alicia. Sasama pala sakin ang bruhang ito.

"Maaga pa naman ah" takang sabi ni Paul.

"Masama bang umuwi ng maaga?" Tanong ko

"May afternoon classes pa tayo. Wag mo sabihing di ka na naman papasok?" Tanong ni Bianca

"Pagod ako gusto ko matulog" sabi ko at lalabas na sana nung may sumigaw galing sa pinto ng kitchen.

"Ice cream mo!" Sigaw ni Joseph

"Bigay mo kay Rocelio" sabi ko.

"Ayown amina Joseph" sabi niya at itinaas ang kamay. Naka-abang na ibigay sa kanya yung ice cream.

Sabi niya kanina busog na siya. Katamaran talaga.

"Yoko nga akin na lang" sabi naman ng suman at umupo dun sa inuupuan namin kanina

Padabog namang tumayo si Rocelio at pumasok sa kitchen. -______-

"Bakit kasama si Alicia?" Tanong ni Charmaine.

"Sasama ako sa bahay nila ayiiie" tuwang tuwa na sabi ni Alicia

"Sama din kami"

"Ako sama"

"Anong gagawin niyo dun?"

"Oo nga sama kami" gatong ni Sheryl

"Kaso may klase pa tayo" sabi ni Bianca. Nanlumo naman agad sila.

"Edi umabsent" sabi ni Erick at nagtaas baba ng kilay habang nakatingin kay Bianca.

"Hindi pwede" sabi ko kaya naglingunan sila sakin " Next Time nalang" sabi ko at binuksan na yung pinto.

Im His CurtainWhere stories live. Discover now