Chapter Twelve

8K 103 3
                                    


Chapter 12

           HABANG minamasdan ko ang mga bata ay napapangiti na lamang ako, hindi ko alam kung bakit. Siguro masaya ako para sa kanila dahil na enjoy nila yung pagiging bata.

My childhood days was cut off since that incident happen. Palagi na lang akong nagmumukmok sa loob ng silid at umiiyak, halos ayaw nang kumain at gugustuhin na lamang mamatay. Araw-araw ay randam ko ang pandidiri para sa sarili ko.

Wala akong nakakausap at walang taong handang makinig sa akin. Wala akong masasabihan ng mga hinanaing ko at ang lahat ay nakapaloob lamang lahat sa akin na minsan ay kinakapusan ako ng hininga sa kakaisip kung bakit kailangang maranasan ko iyon. Hindi natatapos ang isang araw na hindi man lang lumuluha ang mga mata ko. Kinamumuhian ko ang sarili ko dahil ang dumi-dumi ko.







      Lahat sila, silang lahat ay binabalewala lamang ako at parang hangin lang akong dindaanan nila. Pakiramdam nila ay kayang-kaya ko iyong malampasan, hindi nila alam na ilang beses na akong nagtangkang magpakamatay.






'Maswerte kayo at hindi niyo napagdaanan ang pinagdaanan ko'






Pinagmasdan ko na lang ang mga estudyante kong naglalaro sa labas. Maya-maya ay nag-umpisa na ang klase, kanya-kanyang pabibo sa mga sagot nila, kanya-kanyang opinyon at pagsalungat.






Hanggang sa uwian na, hinintay ko munang dumating ang mga parents or guardians sa classroom para sunduin ang mga anak nila, nang masiguro kong wala nang tao sa loob ay sinira ko na ang pintuan.





Nagpaalam sa akin ang mga estudyanteng nakakasabay at nakakasalubong ko.




    Umuwi na rin ako kahit ayoko ay kakayanin kong harapin kung ano man ang sasalubong sa akin ngayon.
Tinatagan ko ang sarili ko.





'Kaya mo yan Reya! Laban lang!'



    Napangiti na lamang ako sa sarili ko dahil nagawa ko pa ring suportahan ang sarili ko. Ayokong isipin na nag-iisa ako, kahit impossible man ay alam kong nandiyan si Kiel para sa akin, hindi niya naman siguro ako pababayaan diba? Kahit papano ay may responsibilidad din siya sa akin dahil ako ang asawa niya.






Umaasa akong kahit konti lang kahit ni katiting lang ay mamahalin niya ako, panghahawakan ko iyon hanggang dulo.





'Kung meron nga ba?'





      Possible naman diba? Sa tagal ng pagsasama namin siguro naman may nabuo kahit konti lang. Kahit ganun ang trato niya sa akin sana may nabuo kahit konting-konti lang, masaya na ako.


    Pagkarating ko sa bahay ay kukuha na sana ako nang susi sa bag ko. Napansin ko kasing bahagyang nakaawang ang main gate kaya doon na ko dumaan.

Napuno ng kaba ang dibdib ko nang makita ko ang isang pamilyar na mga kotse na naka park katabi ng sasakyan ni Kiel. Dumoble ang kaba ko ng mamukhaan ko kanino yun. Napatingin ako sa doble doors ng bahay, nakaawang ng malaki ang pintuan.

     Bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi ko alam kung tutuloy ba ako papasok o tatalikod na lamang at lumabas. Ayokong harapin silang lahat. I was never a part of them. Tingin pa lang nila hindi ko na kaya, mga tingin na para akong isang kandilang nauupos. Sabihin na nating nandiyan ang asawa ko pero I was never been a part of them.


    Dinig ko mula dito ang kasiyahan nila, kung hindi ako nagkakamali nandun sila sa may swimming pool. I guess I'm not needed here for now. Dahan-dahan akong tumalikod at lumabas.


The Sweetest Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon