II

613 35 7
                                    

"Shaine." I uttered.

Naramdaman ko namang napatingin si Manager Lin sa tabi ko pero binalewala ko na lang. Hindi ko kasi maalis ang tingin ko sa babaeng kasalukuyang naka-ngiti pa rin saakin.

What do you think you're doing Shaine?

I tried myself na umiwas ng tingin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Walang araw na hindi ko siya iniisip at ngayon nakita ko na naman siya.

Shaine Leigh Tagavilla. Limang taon kong kasintahan pero natapos lang dahil sa salitang ayoko na. It's been a year since we broke up at ngayon ko na lang ulit siya nakita pagkatapos nun. Bakit? Bakit ngayon pa kung saan okay na ako.

Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko. Biglang bumalik saakin ang araw na nakipag-hiwalay siya sa'kin. Para akong naiinsulto sa mga ngiti niya saakin ngayon, na para bang walang nangyari.

Nabalik ako sarili ko nang bigla kong naramdaman na hinawakan ni Manager Lin ang kamay ko. Bigla ko rin agad binawi ito dahil sa gulat.

"S-sorry." Sabi nito. Napatingin ako sakan'ya at ngumiti ng pilit. "May problema ba?" Dagdag na tanong niya. Umiling lang ako at binalik na ang atensyon sa field kung saan nagsisimula na pala ang laro.

Kahit pilitin kong sa iba pang manlalaro ituon ang aking atensyon, 'di ko parin mapigilang mapapatitig sakan'ya habang naglalaro. She's wearing a number 15 jersey. Wala ring pinagbago sa galaw niya. Kahit ang technic niya sa pag-drible ng bola sa paa niya ay ganu'n pa rin. The way she swift her feet para lang malampasan ang kalabang humaharang sakan'ya ay napaka-flawless pa rin. Maliit lang din kasi siya kaya parang ang dali lang sakan'yang maka-lusot sa kalaban niya.

Nang makakita siya ng kakampi niya na open at pwedeng pasahan, ay agad niya itong sinipa. Pagkapasa niya ng bola ay agad ring sinalo ng kakampi niya.

Napa-iwas rin ako ng tingin ng bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Tinuon ko na lang ang atensyon ko kung nasaan na ang bola at inobserbahan na lang ang mga naglalaro.

Wala rin naman akong masasabi sakan'ya dahil alam kong magaling na siya. When I was in college, we are in the same team at siya pa mismo saakin noon nagtra-train. Marami akong natutunan sakan'ya at siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako napasok sa Victorious Secret. Ang totoo niyan ay siya talaga ang may pangarap makasali sa VS Team pero ayaw ng magulang niya. Kaya nang nagkaroon ng try out noon 3 years ago ay ako lang pinilit niyang sumali. She was so proud at me that time. She was so happy for me. I just don't know why we end up this way.

May inabot naman si Coach Jik na mga papel sa'kin. It was a listed names of the players. Napa-buntong-hininga na lang ako at tinuon ang atensyon ko sa laro. Isasantabi ko muna ang personal feelings ko. I need to know who are the best and has potential to have them in our team.

-'-

After 45 minutes of the game. Tumayo muna ako saglit at pumunta sa mga teammates ko. Hihingiin ko kung sino mga gusto nila at mga sa tingin nilang magaling, kaso nakalimutan ko na kilala nga pala nila si Shaine.

"#15 parang professional na kung gumalaw. Sabagay kasi 'yung jowa dati, captain ball ng VS. Haha." Pang-aasar ni Clarisse.

"#15 agree ako kay Clarisse. Haha!" Xelisty.

"Malakas maka-agaw ng atensyon ang moves nung #15. Siguro dahil ang cute niya, captain no? Joke lang. I'll go with #7 too, she's really good in defending." Madie.

"Ang ganda nung #2. I'm with your EX este #15 and #14." Kimberly.

"#15, #7 and #17." Sofia.

"#14 is good also in defending but I think I'm already inlove with #15. Sorry captain!" Apple.

So Into You (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon