III

537 37 1
                                    

Shaine's POV

Ngiting-ngiti ako habang nag-aayos ng gamit ko. Since I am the new member of VS team, doon na ako titira sa VS Home. I'm so excited!

Nang maka-rinig ako ng pag-busina sa labas ay agad akong napatayo. Sila Elisa na siguro 'yun, makikisabay na lang kasi ako sakanila. Buti na lang at madali silang maka-close e. 'Yung apat na members na nakapasok rin 'yung tinutukoy ko. Ang babait pa nila saka ang sarap kasama. Ang dalawa sakanila na sila Lian at Jessica ay naka-team ko nung try out. Tapos sila Elisa saka Ericka naman ay nakalaban namin.

Agad ko nang sinabit ang isang back pack ko at maliit na maleta. Lumabas na ako ng kwarto at naka-salubong ko sila mommy saka daddy.

"Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw namin mag-soccer ka e." Naiiyak na sabi ng mommy ko. Inalo naman siya ni daddy at niyakap ito.

"Mom, napag-usapan na natin 'to 'di ba?" Sabi ko at hinawakan ang kamay ni mommy.

Since I was in highschool gustong-gusto ko na makapasok sa Victorious Secret team. Ito ang team na hindi naman gaanong sikat noon. I just love this team because of my idol MJ Putellas dahil sa sobrang galing nito maglaro. Namimiss ko na nga ang idol ko na 'yun e. Wala na rin kasi gaanong balita sakan'ya simula nung in-end na niya ang career niya sa paglalaro ng soccer.

So 'yun na nga ayaw ng parents ko na mag-laro ako dahil delikado daw para saakin. Ako lang din kasi ang nag-iisa nilang anak kaya siguro sobrang protective nila saakin, and I understand them. Ngayon, masaya na ako dahil okay na sakanila na maglaro ako, payag na rin silang sumali ako sa mga division tournament. Pero sobrang saya ko talaga nung pumayag din sila na mag-try out ako sa VS, not just because dahil gusto ko maglaro, kundi dahil gusto rin nila akong makipag-balikan kay Celestine.

When I was in college, I met Celestine. She's a soccer player too kaya madali ko siyang naka-close kahit napaka-impassive niya. Lagi ko siyang kinukulit noon kaya naging mag-bestfriend kami nun. Then, it turned out that one day she admitted and told me, she was gay and she likes me. Ang hindi niya alam mas bakla ako kesa sakan'ya. We've been dating for 3 years until we made a decision na maging kami na officially. Guess what, legal na rin kami sa both families namin nun. Nagtagal kami ng limang taon at inaamin kong kasalanan ko naman kung bakit na-putol ang relasyon namin na 'yun. Ngayon ay pinagsisisihan ko, but I will do my best to win her back again.

"Basta anak, mag-iingat ka lagi. Saka 'wag mong kakalimutang tumawag pa-minsan-minsan, okay?" Sabi ng mama ko at niyakap ako. "Don't also forget that bring Celestine back again here. We want you to get married." Dagdag na sabi ni mommy pagka-hiwalay namin sa yakap. Napatawa ako at ngumiti na lang kay mommy. She really likes Celestine for me.

"Take care, honey. I know she will understand you, just don't give up on her." Advice naman ng daddy ko sa'kin. Niyakap ko na lang din si daddy. Alam din kasi nila kung anong nangyari at ang reason kung bakit ako nakipag-hiwalay kay Celestine.

Sana nga. Sana mapatawad niya ako at bumalik kami sa dati. Sana rin mahal niya pa ako.

"Okay sige na, mom and dad. Kailangan ko ng umalis. 'Wag kayong mag-alala aalagaan ko sarili ko dun and I will make sure too na ma-me-meet niyo ulit si Celestine." Nakangiti kong sabi sakanila nang humiwalay na ako sa yakap namin ni daddy. "Ingat din kayo ha? Tawagan niyo lang ako kapag may problema sa farm." Dagdag ko pa.

Ngumiti at tumango lang din sila saakin saka muli akong niyakap.

I am so really happy and blessed to have them in my life.

After kong magpaalam sa mga magulang ko, ay agad na rin akong pumasok sa loob ng kotse ng sumundo saakin. Tumabi ako kay Elisa at Jessica habang si Ericka naman 'yung nagda-drive habang katabi niya si Lian.

So Into You (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon