VI

362 32 5
                                    

I'm doing my skin care routine nang biglang pumasok sila Xelisty at Clarisse sa kwarto habang nagha-harutan pa.

Oo nga pala, there are 4 rooms here in VS home. At ang kasama ko sa kwarto ay sila Xelisty, Clarisse at Anna. Double deck din naman kasi ang higaan namin dito. Malapit sa pinto ang higaan ko, nasa baba ako habang nasa taas naman ay si Anna. And then sa kabilang side naman ay sila Xelisty, na nasa itaas habang si Clarisse naman ay sa ibaba, pero minsan nakikita ko na lang silang magkatabi sa ibaba.

"Tama na kakapa-ganda. Baka lalong mahulog sa'yo si Captain." Narinig kong pang-aasar ni Xelisty habang naka-pulupot ang mga kamay sa bewang ni Clarisse. I just rolled my eyes at them. Dito lang naman sila sa kwarto nagiging clingy at sweet, pero kapag nasa labas na, laging nagbabangayan.

"Ohmaygad! Why didn't you tell me? Hahaha! That was so hilarious!" Sabay kaming napa-tingin sa biglang pumasok sa kwarto na sobrang lakas pa ng boses. Si Anna, habang may kausap sa phone na kung sino man. Napa-irap naman ako, para kasi laging naka-lunok ng mega phone 'tong si Anna e.

Agad siyang umakyat sa pwesto niya at parang hindi naka-ramdam na nandito kami, at nakakarindi ang boses niya.

Nag-tinginan na lang kami ni Xelisty at Clarisse sabay napa-iling pa. Nagkibit-balikat na lang ako at tinuloy na lang ang pag-lalagay ng mask sa mukha ko.

Naiinis kasi ako sa nangyari kanina kaya kailangan kong mag-relax at alagaan lalo ang mukha ko dahil na-i-istress ako kay Sofia na 'yan. Panira siya sa plano kong ma-ibalik ulit saakin si Celestine. Ngayon pang kinakampihan siya nito. Idagdag na rin natin na magkasama rin sila sa isang kwarto!

I grabbed my phone in my side when it is suddenly blinked. It was a message from, Madie—isa sa mga kasama ni Celestine sa kwarto. Nang binuksan ko ang message niya mas lalo akong nabadtrip. Litrato lang naman ito ni Sofia na kumakapit kay Celestine habang nagbabasa ito. Nasa higaan pa siya nito, like seriously? Marahas ko na lang tinanggal ang mask ko at padabog na lumabas ng kwarto. Napa-hinto naman sila Xelisty at Clarisse sa paghaharutan, maging si Anna rin ay natahimik sa kina-kausap niya.

Naglakad ako papunta sa kwarto nila . . . at nang nasa harap na ako, napahinto ako nang nagchat ulit si Madie.

Pumunta ka na dito bago pa maghalikan yung dalawa. Haha

Alam kong nang-aasar lang si Madie pero bigla kong na-imagine ang minessage niya. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Wala rin sa sariling na-ikuyom ko ang kamay ko. Nang bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto nila, may nagbukas na nito mula sa loob. Ang problema nga lang, dahil palabas ang pag-bukas ng pintuan ng bawat kwarto dito, tumama sa mukha ko ang pinto.

"Aray!" Tili ko sabay hawak sa mukha ko na kaka-skin care ko lang. Muntik pa akong matumba sa lakas ng impact ng pagbukas ng pinto.

"Shaine?" Nag-aalalang sabi ni Celestine sabay lapit saakin. Akma niya sanang hahawakan ang mukha ko nang iniwas ko 'to.

"H'wag mo kong hawakan, putek ang sakit!" Pagrereklamo ko. So siya pala ang nagbukas ng pinto. Nakita ko naman na nasa likod niya ang naka-simangot na si Sofia, at ang mga nagpipigil ng tawa na sila Madie at Elisa.

"What are you even doing there?" Seryosong tanong ni Celestine. Napa-titig naman ako sakan'ya.

"A-Ano. . .g-gus—si. . .ano—Madie! Oo si Madie, may gusto lang sana akong sabihin sakan'ya." Pagdadahilan ko sabay tingin ng marahas kay Madie.

"Pwede mo naman i-text or chat si Madie ah?" Pagsabat ni Elisa habang naka-ngisi. "Oo nga." Pag-sasang-ayon ni Madie.

Aba't mukhang pinag-iisahan nila ako ha.

So Into You (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon