Monday. First day of our training. We are in the gym to workout.
Dumeritso ako sa Hanging Leg Raise at gano'n rin si Celestine. Nagulat pa nga siya na sabay kaming pumunta do'n. Since dalawa naman 'yun, tig-isahan na kami. Ang iba ko namang teammates pumunta sa iba pang workout equipment.
"So. . ." Panimula ko habang nagsisimula na sa pagtaas ng paa ko.
"Okay, let me get this straight—"
"You're not, Cel. You're gay." Pagputol ko sa sasabihin sana niya. Agad naman niya akong tiningnan ng masama habang nakangiti lang ako sakan'ya.
"You know what, nevermind." Sabi na lang niya saka lumipat na lang siya ng ibang workout equipment. Natawa na lang ako sakan'ya dahil ang cute niya talaga kapag naiinis.
Maya-maya nagulat ako nang lumapit naman saakin sila Elisa at Jessica na mukhang may i-chi-chika.
"Leigh!" Sabay na tawag nila. Napakunot-noo na lang ako dahil sa tinawag nila saakin. "Ang haba bigkasin 'yung name mo na Shaine kaya pwede ka ba naming tawaging Leigh." Sabi naman ni Elisa.
Tumawa ako sakanila saka tumango nalang. For me, it doesn't matter naman kung anong gusto nilang itawag basta ang importante kilala nila ako.
"Ex mo ba si Captain Cel?" Deretsong tanong ni Jessica. Agad naman siyang siniko si Elisa. Natawa na lang ako sakanilang dalawa. Makikichismis pala sila.
"Oo." Simple ko na lang sagot habang patuloy ko pa ring tinataas baba ang paa ko.
Nagtinginan naman sila at nag-tanguan.
"Ilang years kayo?" Tanong na naman ni Jessica.
"Teka lang Jes, preno mo muna bibig mo nakaka-hiya naman kay Leigh, isipin niya na chismosa tayo." Sabi naman ni Elisa.
Hindi ka nagkakamali.
"Sige ganito na lang Leigh, hihingi na lang kami ng permisyon para makichismis." Jessica uttered. Natawa na lang kami ni Elisa sakan'ya.
"Nandito tayo para mag-work out. Hindi para magchismisan." Biglang sulpot ni Celestine. Agad namang nag-sorry sila Elisa at Jessica saka dali-daling umalis.
Ang maldita talaga 'tong si Celestine.
Pumwesto siya sa Hip Sled na hindi naman kalayuan saakin. Tiningnan ko siya at bumaba na ako sa Hanging Leg Raise. Lumapit ako sakan'ya at tiningnan lang siya habang nagwo-work out. She's so hot with those sports bra, malaya kong nakikita ang abs niya. Ngayon ko na lang ulit 'to matiti-tigan kaya lulubus-lubosin ko na.
"One, two, three, four." Bilang ko sa abs niya. Napahinto siya sa ginagawa niya at tiningnan ako ng masama.
"What are you doing? You're supposed doing work out."
"Sorry, I just can't help myself to admire your body. You are still a body goals!" Sabi ko sakan'ya habang ngiting-ngiti sakan'ya.
Napa-iling-iling na lang siya saakin at tinuloy ulit ang ginagawa niyang pagwo-workout sa paa niya.
"Naalala ko dati na lagi tayong sabay mag-workout." Sabi ko at sumandal sa isang workout equipment for legs na nakalimutan ko na kung anong tawag. Hindi siya kumibo at tuloy lang sa ginagawa niya bewang at paa niya. "We're doing the couple workout together. What if gawin na'tin ulit 'yun?" Pagbibiro ko.
Huminto siya ulit at tiningnan ako. Walang expression ang mga titig niya pero ramdam ko na naman ang inis nito.
"Past is past, Shaine. Wag mo nang ungkatin pa ulit." Sabi nito sabay tayo.
"Kahit past at alaala na lang ito pwede pa rin namang balikan ah? Reminiscing." Sabi ko naman.
"That's the point. It's all in the past. It's already a history and memories that all we could do is reminisce. Ibigsabihin hindi na pwedeng ulitin pa. Kaya wag mong sabihin na gawin ulit natin ang couple work out dahil nagawa na na'tin to noon. Wala na tayo, Shaine." Sabi naman niya at tumalikod na saakin.
Ngumiti ako ng pilit at nag-salita. "But there are times that history repeats itself."
"Yes and that was what I afraid of." Pahabol na sagot pa rin niya at tuluyan ng lumayo saakin.
Napapikit na lang ako at napahilamos ng mukha ko.
Right. She is still afraid that I will do it again. But no! I won't. Sobrang nagsisisi ako sa ginawa kong pakikipaghiwalay sakan'ya, pero ngayon gagawin ko ang lahat makuha ka lang ulit.
"Umaasa ka pa rin ba na magkakabalikan kayo?" Biglang sulpot ni Sofia. Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Excuse me?"
"Hindi ka na niya babalikan kahit landiin mo pa siya." Nakangisi niyang sabi pa.
Sinusubukan ba ako ng babae na 'to?
Humarap ako sakan'ya with my bitch look. Ayaw ko talaga sa lahat 'yung mga epal e.
"Look who's talking. Sino kaya ang babaeng landi ng landi noon kahit kami pa ni Cel? C'mon Sofia, I'm not a fxckng dumb and stupid."
She smirked at me and crossed her arm. Nararamdaman ko na ang mainit na tensyon saaming dalawa.
"You are fxcking dumb and stupid for breaking up with Celestine, at ngayon naghahabol ka? What a pathetic." Madiing sagot niya. Napatahimik ako pero ngumisi pa rin ako sakan'ya. Hindi ako magpapatalo sa bruha na 'to.
"You don't know my reason, kaya h'wag kang mag-magaling. Bakit, sa tingin mo ba papatulan ka ni Celestine?" Paghahamon ko sakan'ya. This time siya naman ang napatahimik, kaya mas lalo akong napa-ngisi. "Ofcourse, not. Kasi isa ka lang ilusyunada na nagmamagaling sa harap ng ex-girlfriend niyang minahal niya ng lubos. At sino yun? No other than but Shaine Leigh Tagavilla and that's me babe."
"Well good luck, dahil hindi ako magpapatalo sa'yo. Minsan mo ng sinayang ang babaeng mahal ko, at hindi na ako makaka-payag na saktan at iwan mo ulit siya."
"Aww I'm scared btch. Tabi nga panira ka ng araw." Sabi ko na lang at nilagpasan na siya. Bahagya ko pang binangga ang balikat niya. Sinasayang ko lang oras ko sa isang delulu.
Mabuti na lang at malayo-layo ang mga teammates namin, sila Xelisty at Clarisse lang ang naka-pansin. Nang madaanan ko sila, nakangisi at tumataas-taas lang ang kilay nilang tiningnan ako. Ngumiti lang ako at kumindat sakanila.
Inikot ko ang paningin ko para hanapin si Celestine pero hindi ko siya nakita. Nasa'n na kaya ang babae na 'yon? Lumabas ako ng gym at nakita ko siyang nag-yoyosi na nakapagpa-gulat saakin.
"Hey, kailan ka pa natutong manigarilyo?" Sabi ko at akma sanang kukunin ang sigarilyo niya ngunit mabilis niya itong tinaas. Dahil sa hindi ako pinagpala sa height, useless pa rin ang pag-tingkayad ko sa tangkad ba naman ng babaeng 'to. Tiningnan ko na lang siya ng masama, habang siya naman ay wala lang expression na nakatingin sa malayo. "Celestine Samiento, tinatanong kita." Ma-awtoridad na sabi ko.
Lumingon siya saakin at bigla na lang niyang nilapit ang index finger niya sa noo ko saka tinulak ako palayo. Isa ito sa mga kinaiinisan ko dati sa mga ginagawa niya saakin.
"Argh ano ba!" Reak ko kaagad sabay nang pag-alis ko ng kamay niya.
"Mind your business." Malamig na sabi niya sabay tapon ng upos ng sigarilyo niya at tinapakan ito. Napa-ikot ko na lang ang mata ko. Papasok na sana ulit siya sa gym nang may sinabi pa siya. "Also, Don't be a btch to Sofia. She's been there for me since you were gone and left me. Kaya wag na wag mo siyang gagalawin."
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Like, what the actual fck?
BINABASA MO ANG
So Into You (GXG)
General Fiction[ ON-HOLD ] Victorious Secret Series #1 "Kapag ex na, ex na. Wala na dapat balikan pa." But . . . this girl is an astounding who will do everything just to win her back again. -'- A GIRL TO GIRL STORY. SO IF THIS IS NOT YOUR CUP OF TEA. JUST HIT THE...