Chapter 4

10 2 0
                                    

Bawat araw na nagdaan lalo kaming nagiging close ni Euanne lagi kaming magkasama sa canteen,sa library sa mga group projects at halos sa lahat ng mga activities ng school namin except syempre sa C.R.

5 months na din akong nanliligaw sa kanya,iniisip ko parang pormalidad na lang ang pagsagot nya sakin kasi sa samahan namin ngayon parang kami na din pero di pa nga lang opisyal.

At ngayong gabing ito gusto ko na syang tanungin kung pwede ko na ba syang maging gf.

"Euanne basta maya ha sunduin kita before dinner!" kasalukuyan kaming nasa school canteen ngayon.

"Sure ano ba kasing meron at pasecret secret ka pa". makulit na pag uusisa nya sakin.

"Basta maya mo na lang malalaman ok kaya useless din ang pagpapacute mong pangungulit sakin" tawa ko sa kanya.

"Ewan ko nga sayo" halatang pikon na sya sakin.

Krrrrriiiiiiinnnnngggg hudyat na tapos na ang break time namin.

6:15 pm!!! All set na lahat ang plano ko! Sana magustuhan ni Euanne lahat ng ito. Andito ako ngayon sa sa garden namin inaayos ang table at mga ilaw para maya di mabulilyaso ang mga plano ko.Buti na lang overtime sa trabaho ang parents ko. Lalong lalo na si Mama for sure magwawala yun pag nalaman nyang pinitas ko lahat ng roses nya.Susunduin ko na si Euanne parang ninenerbyos ako na ewan.

"Tok! tok! tok!" katok ko sa pinto nila.

Sya na ang nagbukas ng pinto sabay abot ko ng dalawang stem ng rose na kinuha ko samin.

"Tara na ba?" tanung nya sakin.

"Oo sige asan nga pala parents mo para maipagpaalam kita sa kanila?"

"Wala sila eh bday ng boss ni Daddy kaya andun sila ngayon sa bahay ng amo nya.kasama nya si Mommy!! Pero dont worry kasi tinawagan ko na sila at pinayagan naman nila ako!".

Nung malapit na kami sa tapat ng bahay namin kinabitan ko sya ng blindfold para di nya makita ang sorpresa ko sa kanya.Iniupo ko sya table na naiset ko. Sabay tanggal sa blindfold.

Tuwang tuwa sya ng makita lahat ng naiprepare ko para sa kanya. Binalot ko kasi ng malilit na ilaw yung dalawang puno ng mangga namin kya parang sa mga bituin nagmumula ang liwanag. Aliw na aliw ako sa expression ng mukha nya kitang kita kasi na sobra nyang naapreciate lahat ng ginawa ko.

"Erin ang ganda ganda,ikaw ba nag ayos ng lahat ng ito?"manghang tanong nya sakin.

"Oo naman tara kain na tayo!" aya ko sa kanya.

"Nagpaturo ako sa Mama ni Jade magluto ng pasta at garlic bread, at bumili ako ng chocolate cake for dessert sana magustuhan mo!".

"Ano ka ba gustong gusto ko! at alam mo ba napakasaya ko dahil alam kong pinagbuhusan mo lahat ng ito ng effort" Thank you ha".

Nagstart na kaming kumain at kita ko sa kanya na nagustuhan naman nya ang mga nailuto ko.At sa totoo lang kinikilig ako. After naming kumain naupo kami sa may swing namin,meron namang maliliit na kandila ang nakapalibot sa amin.

"Alam mo Erin sobra mo akong nasurprise!" ang saya ko ngayong gabing to!. kwento nya sakin.

May kinuha akong maliit na parihabang box sa bulsa ko at inabot ko sa kanya. Halata sa mukha nya ang gulat.

"Euanne will you be my girlfriend?, alam mo unang kita ko pa lang sayo dati nung bagong lipat kayo alam ko na sa sarili ko na mahal kita,and my feeling get even stronger each day. Sana sagutin mo na ako!" Mahal na mahal kita.

"Hmmmm Erin thanks for this you made my night unforgettable, God knows how happy I am today and Im thanking HIM for bringing you into my life". And yes pumapayag ako na maging girlfriend mo!! I love you too!!!. simpleng pahayag nya sakin.

Grabe napakasaya ko ngayong gabi hanggang sa maihatid ko sya sa kanila at pauwi na din ako sa amin para akong nasa cloud 9 at pakiramdam ko lahat ng mga angel sa langit kinakantahan ako.

"Maraming maraming salamat Lord binigyan nyo ako ng chance para maipadama sa kanya kung ganu ko sya kamahal" maigsing dasal ko hanggang sa makatulog na ako!!.

Nakapag update din atlast. Maraming salamat po sa lahat ng nagtyatyagang basahin ito alam ko naman po na di ako magaling magsulat vote and comment na lang po

Maraming salamat

gen_gabgraze

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hard to Move On (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon