2nd year high school ako nun. Pagkatapos ng klase ko ugali ko ng pumunta sa bahay ng kaibigan kong si Jade tatambay kasabay na din syempre ang pagdayo para makikain ng meryenda, masipag kasi magluto ang Mama nya at welcome na welcome ako sa kanila!!
Pagkatapos kong magpalit ng pambahay tumakbo na kaagad ako sa garahe namin para kunin ang bike ko. Oo nga pala bike ang libangan naming magkaibigan di uso samin ang tumambay sa mga computer shop at maglaro ng dota.
Agad na din akong umalis!!
Pagdating ko sa bahay nila agad kong nakita si Jade na parang may tinatanaw sa katapat nilang apartment.
"Pare mukhang may bagong lipat sa tapat nyo ahh"? agad kong usisa sa kanya
"Oo nga eh tinitingnan ko nga kung meron tayong pwedeng makaclose! sabay pilyong tingin sakin.
Loko ka talaga pagdating sa chicks ang lakas ng radar mo!! sabay batok ko kay Jade
Aray ko naman!! Sakit nun ahh!! Kaso as of now yung mag asawang yun pa lang ang nakikita ko!! Wala kaya silang anak or pamangkin man lng? pangungulit nya sakin.
Nang biglang may tumigil na sasakyan at bumaba dito ang isang napaka gandang babae tantya nila halos kaedaran lang nila ito.
Wow pare ganda nya noh? sabay siko sa kanya ni Jade.
Di ko na masyadong naintindihan ang iba pang sinasabi ng kaibigan ko kasi parang tumigil na ang mundo ko.
Tugs tugs tugs....tanging naririnig ko! Na parang wala na akong ibang nakikita bukod sa babaeng yun.
Nagulat na lang ako ng bigla syang kumaway samin ni Jade.
At parang napahiya na lang ako dahil nahuli nya ata akong nakanganga!!
"Ano ba Erin San Gabriel umayos ka nga"sabi ko sa sarili ko.
Bumalik lang ako sa katinuan ng madinig ko ang malakas na halakhak ng katabi ko
"Pare laway mo tulo ohh!!!!" kantyaw ni Jade sakin.
"Ulol" maigsing sagot ko.
Eto na yata ang sinasabi nilang love at first sight. sabi ko sa isip ko. Di ko alam kung anung naramdaman kung nung makita ko yung babae lalo na nung kinawayan nya kami kanina parang nag slow mo ang paligid ko "ay naku tigilan ko na nga to!" Lalo lang akong pinagtatawanan ng katabi ko ehh!.
Niyaya ko na agad si Jade sa loob ng kanilang bahay. Para makaiwas na din sa panunukso nya."Tara na pare kanina pa kumakalam sikmura ko eh!" Anung meryenda nyo dyan? Sabay hawak sa tyan ko.
"Oo nga pare ako din tara na nga!" Nagluto si Mama ng ginatan dyan!!. Segunda naman sakin ni Jade.
At sabay na kaming pumasok sa bahay nila
Pasenya na sa mga maling grammar ko katulad po ng sinabi ko sinubukan ko lang po talagang magsulat. Salamat sa mga nagtyagang bumasa!!!
gen_gabgraze
BINABASA MO ANG
Hard to Move On (on hold)
Fiksi RemajaPaano nga ba makalimutan ang taong sobra sobra mong minahal?? Totoo bang dapat humanap ka kaagad ng bagong pagtutuunan ng pansin o totoo din bang dapat mo pa syang hintayin?? "Move on" yun ang palaging sinasabi nila!!!