CHAPTER 1

10 0 0
                                    

Chapter 1: Unknown
Author: IBP_Maiden
---------------------------------------------------------

Nagsusurf ako ngayon sa Net. I opened my Facebook account at nakita ko ang message saakin ni Gabby.

-Gabbriela Monterial-

Raf. We have a new mission. Kailangan nating alamin ang isang site na hindi natin alam at alamin ito. Alam kong nakakagulo pero kailangan nating magkita dito sa hide out.

Dali-dali naman akong nag-impake at umalis na din. Alam kong matagal matapos ang mission na ito.

Lumabas na ako sa condo ko at sumakay na sa sasakyan ko at lumakad na.

Masama ang kutob ko sa mission na ito. Hindi ko alam kung bakit pero masama talaga ang pakiramdam ko sa misyong ito.

Nandito na ako sa Hide out namin. Kinuha ko yung Identification Card ko at nilapag ito sa gilid ng pinto. Pagkatapos ma detect ay bumukas ang pinto at pumasok na rin ako.

"Raf. Salamat at dumating ka. We have to do this mission" salubong saakin ni Gabby.

"What mission?" tanong ko. Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa.

"Watch this" sabi ni Timothy.

Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa Swivel Chair.

"This. This is the Unknown" sabi ni Timothy habang tinuturo nya yung isang blog sa Net.

Tinignan ko yung site pero walang indexed sa Search Engine. Halimbawa, kapag mag search ka ng FACEBOOK ang lalabas sa Search Engine ay Facebook.com diba? Yan yung Index.

"Paano nyo nasisiguro na THE UNKNOWN SITE na yan? I mean, hindi tayo nakakasiguro na yan yung exact na site" sabi ko sa kanila.

Sabi ko na nga ba delikado itong mission na ito. Pwede kaming mapahamak pag ipagpapatuloy namin ito.

"I've done researches Raf, And it is confirmed. This is the site" sabi ni Timothy na sya namang ikinakunot ng aking noo.

"No. You're all wrong. This is just a bate. Nililigaw lang tayo ng System. This is all wrong" pagtutol ko sa kanila.

I know. Hindi ito ang site. Hindi nila alam na matagal ko nang hinanap ang site na ito at kung ano ang impormasyon na nasa loob nito.

"How come? Lahat ng mga impormasyong nakalap namin ay tumutugma sa isang site lamang, at ito yun" sabi ni Gabby.

"No. Inuulit ko. Nililigaw tayo ng System. They don't want us to know the truth. Hindi nila gustong malaman ang totoong site"

Mali. Mali itong lahat. Hindi dapat ganito ang site. I've read myths about this site. Kaya alam ko na delikado ito. Posibleng may mawala sa amin. Maaring may mamatay.

THE WEBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon