CHAPTER 11

1 0 0
                                    

Chapter 11: New Member
Author: IBP_Maiden
---------------------------------------------------------

Nasa labas na ako ng Hospital. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa mga nangyayari.

Sino si Supremo? Anong ugnayan nila ni Gabby? Bakit biglang dumating si Natalia? Anong pakay nila?

Yan ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan.

"Raphael!"

Lumingon ako at nakita ko si Natalia na tumatakbo papunta sa gawi ko. Hingal na hingal na ito.

Tiningnan ko lang sya.

"Seriously?" sabi ko at naglakad papunta sa parking lot.

"Raphael! Ano ba?! Tumigil ka na nga! Iniinis mo na ako eh!" sabi ni Natalia habang humahabol sa paglalakad ko.

"Bagalan mo naman! Masyado kang mabilis eh!" dugtong nito.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagulat nalang ako ng bigla nya akong harangin sa daan.

"Get out of my way" kalmadong sabi ko.

"No I won't. Why would I" sabi nito.

Humakbang ako papalapit sa kanya.

"Or Else..." sabi ko at humakbang papalapit pa sa gawi nya.

Umatras naman ito.

"Or else what?" sabi nito.

Humakbang pa ako at umatras sya.

"Or else......" sabi ko at humakbang pa at umatras din ito.

Napahinto nalang sya sa pag-aatras dahil napasandal na ito sa car ko.

Lumapit pa ako papalapit sa kanya na nagresulta ng pagkalapit ng aming nga mukha.

"I will be your Knight" dugtong ko at pumasok na sa sasakyan.

Pinaandar ko ito at iniwan sya doon sa parking lot.

Yan ang makukuha mo Natalia kapag pinatibok mo ang puso ko.

Nandito na ako sa Hide out at pagpasok ko ay may nakita akong isang babae na nasa Main Section kausap si—

"Professor!" sigaw ko ng makita si Mr. Antonio Valquez. Ang CEO sa Detective Institute.

"Raphael Dizon! Long time no see" sabi ni Professor at tinapik ang balikat ko.

"What brings you here?" tanong ko sa kanya.

"Well, I have hired a new detective." sabi ni Professor at nilingon ko naman ang bagong Detective.

Nagulat ako ng makita ko si—

"Jessie?" sabi ko.

"Kuya?" sabi ni Jessie.

"Magkakilala kayo?" tanong saakin ni Professor.

"Yes Professor. He's my stepbrother" sabi ni Jessie.

Bakit sya nandito? Anong ginagawa ng babaeng yan dito? Ang babaeng yan ang dahilan bakit nasira ang pamilya namin. Sya ang dahilan kung bakit napilitan si papa na sumama sa kabit nya.

That Girl!

Umalis nalang ako sa Hide out. Ayoko syang makita! No! She can't be a detective!

I hate to see her!

Bakit ka nandito Jessie?

THE WEBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon