CHAPTER 8

2 0 0
                                    

Chapter 8: Operation
Author: IBP_Maiden
---------------------------------------------------------

"Timothy"

Sabi ko ng makita ko syang tumatakbo papunta sa gawi namin.

"What happened?" tanong nito.

"Nasaksak si Gabby. Hindi sya gagaling dito sa Private Clinic natin Tim. We need to bring her at the Hospital!" sigaw ko sa kanya at binuhat si Gabby.

"Ok. Let's go" sabi ni Tim at sumakay na sa sasakyan ko.

Dali-dali ko itong pinaharurot papunta sa pinakamalapit na Hospital.

Inasikaso kami ng nurse pagkarating namin sa Hospital. Kaya nandito kami nasa labas ng operating room naghihintay kasama si Tim.

"What exactly happened Raf?" tanong ni Tim.

"Sobrang bilis ng pangyayari Tim, hindi ko matandaan sa sobrang bilis" sagot ko.

"Damn that criminal!" sigaw ni Tim habang sinusuntok ang wall.

Pinagmasdan ko lang sya.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya.

"Someone hacked our security Raf. Nakuha nila ang security code natin. At hindi din imposible na makapasok sila sa system natin" sagot nito.

That's why.

"May kinalaman ba ito sa Unknown Site?" tanong ko na sya namang ikina-upo ni Tim.

"Maybe. Yes" sagot nito.

Tumahimik ang paligid. Kitang-kita sa mukha ni Tim ang pag-aalala kay Gabby.

Ilang oras na ang lumipas at nasa OR parin si Gabby. Tumayo si Tim.

"Raf, dumito ka muna. Babalik muna ako sa Hide out. Meron lang akong aasikasuhin" sabi nito at tumango nalamang ako.

Umalis na din ito sa gawi ko.

Ilang minuto ang lumipas. Nakatingin parin ako sa pinto ng OR. Umaasang may lalabas na Doctor.

11:25 pm na pero hindi parin sila lumalabas. 13 hours na akong naghihintay dito sa OR pero wala pa rin. Kung buot tutuusin ay nasaksak lang sya.

Nagulat ako ng may lumabas na doctor kaya napatayo ako bigla.

"Kaano-ano mo ang pasyente?" tanong nito.

"Bestfriend po" sagot ko.

"Nasaan ang mga magulang nya?" tanong nito.

"Nasa states po" sagot ko at umalis ang doctor. Hinabol ko naman ito.

"Doc. Anong lagay ng pasyente?" tanong ko.

"She's in a comma dahil sa matinding pagbagsak ng ulo nya sa sahig at nag clot ito. Kailangan syang ma operahan agad and we need a waver to do that operation" sabi ng doctor.

"Ako po yung pipirma. Ipinagkatiwala po nilang Tita and Tito si Gabby saakin. Just do everything you can" sagot ko.

"Ok. Sumama ka saakin" sabi nito at sumunod naman ako.

Ayokong mawala ka Gabby. You're my Life, and di ko kayang mabuhay ng wala ka. Cause I love you.

THE WEBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon