CHAPTER 4

3 0 0
                                    

Chapter 4: New
Author: IBP_Maiden
---------------------------------------------------------

"Salamat Tim" pasasalamat ko.

"My pleasure Raf" sagot nito at umalis na din sa desk ko.

"Ayan. May bago ka ng laptop. Now you can start investigating again" sabi ni Gabby habang umiinom ng milk shake.

Tinignan ko lang sya.

"Gusto mo?" habang inaalok saakin ang milk shake na iniinom nya.

"No thanks. Baka may rabies" sabi ko at tumawa. Binatukan nya naman ako.

"Ouch! Sakit nun ah! Kahit kailan talaga di ka naging sweet saakin" sabi ko at nag pout.

"Gusto mo nang sweet?" ani niya.

Tumango ako.

"Wait lang ah. May kukunin ako" sabi nito at umalis din.

Ano na naman yung trip nun?

Ibinalik ko nalang ang aking pansin sa bago kong laptop. Binigay saakin ni Timothy.

Sinet-up ko ito at nag-download ng The Onion Router or TOR. Sinecure ko naman yung laptop ko. Mas secure pa kesa sa dati kong laptop.

Ayokong maulit ulit yun.

Kumalap ulit ako ng mga information tungkol sa website na ito.

Nang may biglang tumunog. Messenger.

-UNKNOWN-

Di mo malalaman lahat, wala kang malalaman. You can't reveal anything. If you proceed you will die.

Kinilabutan ako sa message na nabasa ko. Kailangan kong malaman kung sino to.

I viewed his profile but biglang nag glitch ulit ang laptop ko. Dali-dali ko itong pinower off.

Biglang lumapit si Timothy.

"Raf, what happened?" tanong nito.

"Nag glitch ulit" sagot ko.

"Pinower off mo?" tanong nito.

"Oo" sagot ko.

Kinuha nya yung laptop.

"Ako na bahala" sabi nito at umalis na din.

Napabuntong hininga nalang ako.

Pumunta nalang ako sa kwarto ko at humiga.

THE WEBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon