CHAPTER 5

3 0 0
                                    

Chapter 5: Escape
Author: IBP_Maiden
---------------------------------------------------------

"Raf?"

Binuksan ko ang aking mga mata at sumalubong ang aking tingin kay Gabby.

"Gabby? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at tumayo ako.

"I want to tell you something" sabi nito at umupo sa tabi ko.

"What is it?" tanong ko.

"I'm sorry Raf. It's all my fault" sabi nito na nagpakunot ng aking noo.

"Huh? What are you talking about? What do you mean?" tanong ko.

"Kasi ang—"

"Gabbriela nandito kalang pala. Kanina pa kita hinahanap"

Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si Timothy na kinuha na ang kamay ni Gabby.

Hindi tuloy na tuloy yung sasabihin ni Gabby.

"Uhm. Timothy?" sabi ni Gabby na sya namang ikinakunot ng aking noo.

Something's fishy around here.

"Halika na. Matulog ka na" sabi ni Timothy habang hinihila si Gabby.

"Uhm. Next time nalang Raf" sabi ni Gabby at tumango nalamang ako.

"Pasensya sa abala Raf ah" sabi ni Tim at tumango nalamang ako.

Umalis na sila sa kwarto ko.

Tumayo ako upang uminom ng tubig. Natutuyo na kasi ang lalamunan ko.

Pag punta ko sa Ref ay may Milk Shake. Sobrang dami nito. Favourite ito ni Gabby kaya siguro pinuno nya ng Milk Shake ang Ref.

Kumuha ako ng isang Milk Shake at nagsimula naring umalis.

Ng malapit na ako sa Room ko ay may narinig akong ingay sa Main Section kung nasaan nakalagay yung mga Computers for investigation.

"Tama na! Pagod na pagod na akong makinig sa mga palusot mo!" sigaw ng isang babae doon sa Main Section.

"Go! Sabihin mo sa kanya! Mamamatay ka kapag ginawa mo yun! Gusto mo bang mamatay Gabby?!" sabi ng isang lalaki.

Wait, Gabby? Anong kinalaman nya dito?

"Bestfriend ko sya! And ayoko syang mapahamak! Alam ko na wala na talaga tayong makakalap na impormasyon tungkol sa mission na ito pero kailangan ko rin syang iligtas Tim!" sabi ni Gabby.

Tim? Timothy?

Lumapit ako sa kanila ng konti, sakto lang para makita ko yung gawi nila.

"Kailangan pa ba yun Gabby? Ako yung Boyfriend mo! And please lang, ginagawa ko ito para sa kaligtasan natin, sayo." sabi ni Tim habang hinihimas yung ulo ni Gabby at tinapik naman ni Gabby ito.

"Ang selfish mo Tim. Sobrang selfish mo! Tayo ang nagdala sa kanya sa misyong ito! Hindi natin sya pwedeng pabayaan!" sabi ni Gabby at lumakad ng isang hakbang papalayo sa gawi ni Tim.

"Kung hindi mo kayang suportahan ako Tim, mas makakabuti sigurong umalis ka nalang. Iwan mo na ako dito. Iligtas mo ang sarili mo" sabi ni Gabby at umalis na sa Main Section.

Mabilis naman akong nagtago ng papunta na si Gabby sa gawi ko.

Kapahamakan? Kamatayan? Kaligtasan? Anong nangyayari?

Kailangan kong malaman lahat. Ang lahat-lahat.

THE WEBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon