"I'm sorry MC.... pero me iba pa akong mahal bukod sa iyo. Kasalanan mo din kasi e puro ka trabaho 'ni hindi mo na ako napapansin. Hindi mo din ako kinakamusta tuwing ahift ko kung kumain na ba ako o uuwi na ako. I am sorry pero maa deserving nya ang pagmamahal ko.....
"Hindi naman kita nakakalimutan araw-araw a! Lagi kitang kinakamusta pag bago ako umuwi, tinetext kita pag nakapasok na ako o nakauwi na ako. Alam mo naman na panggabi ako lagi e, sana naman maintindihan mo ako......"
"No MC, binabalewala mo ako. Kulang sa iyo ay oras... oras para sa ating dalawa... Buti pa si Julius kahit pagod sa pamamasada iyon ay pinupuntahan ako kahit pagod. Nagdadala pa ng pagkain."
"Ano ito?? Pinagsasabay mo ba kami?? Hindi naman ako nagtaksil sa iyo kahit kailan pero ano ito??? Matagal mo na pala akong ginaganito dapat sinabi mo noon pa... Mahal na mahal kita alam mo yun!"
"Oo mahal mo nga ako pero kulang na kulang! Minahal kita pero hindi tulad ng dati. I'm sorry... pero mahal ko na sya....."
"HUWAG MO AKONG IWAN, MAHAL NA MAHAL KITA MARIA!!!......."
BEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPPPPP!!!!
*biglang naalarma si MC sa paparating na jeep sa harapan nya. Nawala na pala sya sa sidewalk habang naalala nya ang breakup nila ni Maria. Si Maria, na kawork din nya, na unang babaeng nakilala nya dun, na minahal nya, pero iniwan sya dahil sa kapabayaan niya. Pero hindi nya ito pinagpalit sa kahit na sinong babae....*
"Muntik na pala ako mamatay kakaisip.... siguro mapapadali ako kung matatapos ang lahat ng ito..." *aniya...*
"Pero dapat akong magpakatatag. Hindi lang naman sya ang babae sa mundo, madami pa diyan. Pero sya pa din laman ng puso ko....."
*Magulong-magulo ang takbo ng utak nya habang sya ay naglalakad pa din patungo sa hoapital na pinagtatrabahuhan nya.....*
*Lumalakas na lalo ang ulan. At nagsisimula ng kumidlat ang kalangitan. Napatigil sandali si MC dahil sa lakas ng kulog at kidlat. Tumingin siya saglit sa kalangitan upang pagmasdan ang maiitim na ulap at kidlat na lumalabas dito.*
"Nagagalit siguro sya kasi malaki ang pagkukulanb ko sa kanya... pinaparusahan ako ng langit......"
"Ayokong tanggapin ito, AYOKO NG GANITONG BUHAY!!!!" *sigaw nya*
*Ngunit ng pagkasigaw nya ay biglang me tumama na kidlat sa mismong harapan nya! Siya ay natakot bigla kasi paniguradong patay siya pag direktang tinamaan sya nito!*
"AHHHHHHHHHHHHH!!!" *sigaw nya dahil sa takot habang siya ay napapikit dahil sa kidlat!*
*Ngunit nakapagtatakang hindi sya nasaktan.*
"Buhay ako?!" *tanong aniya sa sarili nya.*
*Dahang-dahan nyang inimulat ang kanyang mga mata. At nagulat siya dahil me nakita siyang tao sa harapan nya!*
*Bigla siyang nagulat kasi paano magkakaroon ng tao sa lugar na pinagtamaan ng kidlat?*
*Hindi makita ang mukha ng tao na kaharap ni MC. Ang suot nya ay parang trench coat na napakahaba. At ang hood nya ay talagang malaki kaya takip na takip ang mukha nito, maliban sa bibig nito.*
"Sino ka?! O, Ano ka?!" *sambit niya sa nilalang na nasa harapan nya*
"Sawa ka na ba sa buhay mo? Gusto mo bang baguhin ito?" *sagot nito kay MC*
*Hindi nya alam ang isasagot habang siya ay nakatingin lang....*
BINABASA MO ANG
Turn Back Time (If only I could)
FantastikWhat if you could go back to the shadows of your past and fix everything? But to do this... You need to exert your emotions to open the gate to the past.