Chronicle 2: Time To Awaken....

20 0 0
                                    

.........Hey..................

...........Uy...........................

...............................................

......................................!

"HOY MARLON, TANGHALI NA!!!"

,,!!!!!!!

"Waaaaaah! Mama naman. Kala ko me sunog e!"

"Ikaw susunugin ko pag 'di ka pa bumangon dyan! Me duty ka ngayon 'di ba?? Bumangon ka na diyan at luto na ang tanghalian."

"Opo ma.... hay nako......."

Lagi na lang ako sinisigawan ni mama. Well, kasalanan ko naman e lagi ako puyat... Sarap kasi maglaro ng Playstation. Pampawala na din ng stress.....

Ay nga pala, ako nga pala si Marlon Cruz. M.C. for short. Tunog MC Hammer no?? Hehehe malamang hindi nyo naabutan yun...

Ako ay 28 yrs. old at nagwowork bilang Medical Technologist sa isang private hospital sa Bulacan. Well, kakapasa ko lang board exam at pinalad na mahire sa hospital na iyon. Well, enough said. Kakain na ako't maliligo na dahil malelate na ako. hehehe....

*After 2 hours buhat nung kumain si M.C. at ng makaligo na ay nakagayak na sya agad*

"Ma, alis na ako...."

"Sige, ingat anak. Text ka kung malelate ka ng uwi para hindi ako mag-alala ok?"

"Opo ma....."

*At siya ay humayo na papasok. Nilalakad lang nya ang kanto nila na kung saan siya sasakay papuntang work nya.........*

"Mukha atang uulan ngayong araw na ito.... Asar, dapat pala kinuha ko na 'yung payong na inabot ni mama habang nagbibihis ako.."

*Dumidilim na ang paligid. Marami ding nagaabang ng masasakyan ng araw na iyon. Pero hindi naman araw ng Biyernes nun.*

"Ayun! Sakto me paparating na jeep. At sakto, sa unahan pa ang bakante!"

*Nakipagunahan pa sya sa pagsakay ng jeep. Pero walang nakipagagawan sa kanya kasi alam ng ibang tao na uulan at mahirap sumakay sa unahan. Baka mabasa nga naman sila....*

"Hehehe ayos! Mapapadali ang byahe kasi puno jeep agad."

*At umandar na ang jeep na sinasakyan ni M.C. Habang nasa byahe, mukhang me malalim syang iniisip......*

"............ 3 taon na din buhat nung nakipag-break siya sa akin. Kamusta na kaya sya? Me Bf na kaya sya? Me asawa na kaya? Single pa kaya?.... Hay miss ko na sya......."

*Nung nasa kalagitnaan na siya ng byahe ay biglang lumakas ang ulan. Ngunit nakakapagtaka ay hindi nakakatakot ang tunog ng mga patak. Bagkus ay parang nakakarelax pa sa pandinig, kasama ang malamig na daloy ng hangin na dumadampi sa mukha ni M.C.*

"Ang lamig, sana ganito lagi pero......."

*Tumingin muna siya sa malayo sa dinadaanan nila, at sabay sabing...*

"I am getting bored, no........*

Turn Back Time (If only I could)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon