Rain's POV
Napangiti ako nang makita ko ang pamilyar na likod ng aking best friend. Second week na ng pasukan pero ngayon ko lang siya nakita.
"Avril!" Tawag ko at saka tumakbo papunta sa kanya.
Sakto namang humarap siya nang niyakap ko siya ng mahigpit sa bewang. I don't feel awkward or shy hugging my best friend in public since pusong babae naman siya. Atsaka ganito naman talaga ako ka-affectionate sa mga close kong kaibigan. Minsan nga ay naririndi na sila sa kasweetan ko.
"Oh Rain." Tumawa siya ng konti at ginulo ang buhok ko. Kaagad ko namang pinalo ang kamay niya. Ang aga-aga ginugulo na niya kaagad ang hairstyle ko.
"Nawala lang ako ng isang linggo, namiss mo ko kaagad?" Nakangiti niyang sabi kaya lumalabas ang dalawa niyang dimples. Ang gwapo talaga ng best friend ko. Matangkad, matangos ang ilong at chinito. Yun nga lang lalaki rin ang tipo.
"Syempre naman! Wala akong kasama noong wala ka kaya parang loner ako sa classroom." Sagot ko at kumalas na sa yakap.
Sabay kaming naglakad papunta sa classroom namin na nasa English Department. Habang naglalakad ami ay marami ang bumabati kay Avril. Sikat siya dito sa paaralan lalo na at president siya ng student council. Pero kahit ganyan ay napakahumble ng best friend ko. Hindi siya ng tulad ng ibang mga heartrobs dito sa school na snob at feeling famous.
"Omg si North!"
"Ang gwapo talaga niya!"
"Papunta siya dito!My gosh!"
"Hi North!"Dinaanan lang ng lalaki ang babaeng nag-hi sa kanya na para bang hangin lang ito. Tss... Ang snob talaga niya, akala mo kung sinong artista porke't gwapo at mayaman.
"Ang yabang talaga niya." Bulong ko kay Avril.
He just shrugged. "Ganyan na si North simula pa ng bata tayo. Hindi ka pa ba nasasanay sa ugali niya? Diba kapitbahay mo siya?"
Tumango ako. "Oo pero minsan ko lang siya nakikita kasi hindi naman siya masyadong lumalabas ng bahay nila."
"Snobber naman na talaga si North kahit noong elementary pa lang. Huwag mo na lang kasi siya pansinin. Ikaw nga hindi naman niya pinapansin eh."
I jus made a face because Avril is right. Palagi naman eh. He think things deeply and he tries to understand everyone. Ganyan kabait ang best friend ko.
Nang marating namin ang classroom ay halos puno na ito. Malapit na rin kasi mag-start ang klase. Katulad kanina ay marami ang bumati kay Avril. Ngumiti naman siya at binati rin sila.
"Good morning ma'am. Good morning Avril." Bati ni April, isa sa mga kaibigan namin dito sa section namin.
Ma'am ang tawag ni April sa akin kasi CAT officer ako dito sa school at isa siya sa mga cadets ko.
"Morning din." Nginitian ko siya atsaka umupo na sa aking upuan.
Hindi kami magkatabi ni Avril dahil wala siya ng mag-seating arrangement ang adviser namin. Instead, ang mayabang na si North Kian Curtis ang katabi ko. What a small world,no? Magkatabi na nga kami ng bahay, magkatabi pa kami ng upuan. Hay naku.Algebra ang first subject namin at nang dumating ang guro ay nagsimula kaagad siyang mag-lecture. Kinuha ko ang notebook ko para kumopya nang mapansin ko ang katabi ko. Natutulog siya. What the hell. Nagtuturo ang guro sa harap pero heto siya at mahimbing ang tulog.
Well, he is North afterall. Kahit ang mga guro ay takot siyang pagalitan dahil sa power ng panilya niya. Ang mga Curtis ay kilala dito sa city dahil sa kanilang yaman. North's grandfather used to be the city mator too. Maraming negosyo ang kanilang pamilya at isa rin ang mga Curtis sa mga major sponsors ng paaralan. Kaya kahit troublemaker si North ay walang magawa ang paaralan.
BINABASA MO ANG
The Jerk Next Door (Curtis Series #1)
Teen FictionHe is rude. He is self-centered. He is mean. His name is North Kian Curtis and he also happens to be my neighbor. Simula pagkabata ay hindi ko na talaga siya gusto. He is a spoiled brat who likes to tease other people so that he can feel better abou...