Chapter Six

771 30 0
                                    

Hindi ako tinantanan ng tanong nina nanay at Star simula ng umuwi ako kasama si North.

"Magkaibigan na pala kayo ni North?"

"Ate, boyfriend mo ba iyong kapitbahay natin?"

"Naku Rain ha, bawal ka pang magnobyo. Pero bakit ba magkasama kayong umuwi?"

"Hindi ko siya boyfriend, okay?" I sighed. "Atsaka nagkataon lang na sabay kaming naglakad pauwi. Huwag niyo namang lagyan ng malisya."

"Ang alin?" Tanong ni ate Cloud na kakapasok lang ng bahay. Gabi na kasi siya palaging umuuwi dahil busy siya sa paaralan nila.

"Wala!" I immediately said. Knowing my sister, siguradong gagawin niya rin itong big deal tulad nina nanay at Star.

"Ate Cloud, magkasamang umuwi sina ate Rain at kuya North." Sagot naman ni Star. Tsismosang bata.

"Weh? Talaga? Kailan pa kayo naging close ni North ha?" Tanong ni ate na tumabi sa akin sa upuan.

I groaned. What's with all the questions? Bakit, hindi ba ako pwedeng umuwi kasama ng kapitbahay ko? Kailangan talaga may interview?

"Hindi kami close. Mayabang pa rin ang tingin ko sa kanya. Talagang coincidence lang iyon kanina, okay? Kaya tama na yang mga tanong niyo." Naiinis kong sagot.

Sasagot pa sana si ate pero pinigilan na siya ni nanay. Napipikon na kasi ako.

"Tara na nga at maghapunan na tayo. Kanina ka pa namin hinihintay, Cloud." Sabi ni nanay.

Sumunod naman kami sa kusina at napasimangot ako nang makitang isang delatang tuna lang ang aming ulam. Oo nga pala, naghihirap kami ngayon. Hay naku.

"Saan ka naman nanghiram ng bigas, nay?" Tanong ni ate Cloud.

"Kina tita Merna ninyo. Buti nga lang at kakasaka lang ng palayan nila noong isang araw kaya napahiram niya ako. Kung hindi ay wala tayong kanin ngayon." Sagot ni nanay.

"Tuna na naman." Reklamo ni Star. Ayaw niya kasi sa lasa ng tuna pero no choice naman dahil ito lang ang pinakamura sa tindahan na pwedeng utangin.

"Sige lang bunso, pagtiyagaan muna natin. Babawi na lang tayo kapag nakapadala na si tatay. Bibili tayo ng paborito mong Mang Inasal, okay?" Sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"Talaga?" She asked hopefully.

"Oo naman."

"Yehey!" Star smiled. "Nay, bili tayo ng Mang Inasal at spaghetti kapag dumating na ang padala ni tatay ha?"

"Sige ba." Sagot naman ni nanay at hinaplos-haplos niya ang buhok ni bunso.

Pagkatapos ng hapunan ay pumunta ako sa kwarto habang sila naman ay nanonood ng tv sa sala. Masakit pa rin kasi ang tama ng bola sa balikat ko at pagod rin ang katawan ko.

Habang nakahiga ako sa kama ay naalaala ko na naman ang nangyari kanina. Si North ba talaga iyon? Siya kasi yung tipo ng tao na walang pakielam sa paligid kaya parang imposible na inutusan niya yung mga players na mag-sorry sa akin. At ang o.a. pa niya! Kailangan talaga lumuhod kapag nag-sorry? Kdrama lang ang trip?

At magkasama pa kaming umuwi. Nakakapanibago kasi sa loob ng maraming taon na magkasama kami ay parang limang beses pa lang kaming nagkaka-usap. Parang ang feeling close naman niya yata ngayon sa akin. Or baka feelingera lang ako. Baka naman naawa lang siya sa akin dahil kung hindi dahil sa paghabol ko sa kanya ay sana hindi ako natamaan ng bola. Tama, nakonsensiya lang malamang iyon.

Pero ang awkward kanina habang naglalakad kami. Hindi nga kami nag-usap eh. Hinihintay kong mag-start siya ng conversation pero tahimik lang siya kaya tumahimik na lang rin ako. Ang weird ni North ngayong araw. Anyway I need to thank him. Siguro kung hindi niya ako binalikan at tinulungan ay mas lalo akong napahiya. Ang lampa ko kasi.

The Jerk Next Door (Curtis Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon