I look up while walking silently with my headphones on. Maliwanag ang buwan sa itaas at may mga ilan pang natitirang morning star.
Iba talaga ang pakiramdam na ikaw lang mag-isa sa kalsada ng ganitong oras habang nakikita mo ang pag-aagawan ng liwanag sa langit. Instead of feeling scared, I actually feel at ease. People should wake up early and watch the dawn more often. I'm sure they'll appreciate life more if they do that.
Saktong ala-sais ng umaga nang dumating ako sa school. May duty kasi kami ngayong mga CAT officers kaya maaga akong pumasok. Nakasuot rin ako ng aming type C uniform.
Dumiretso ako sa aming headquarters at pormal na nag-greet sa aming corps commander bago ako nag-report para pumasok sa formation.
"Sir, Cadet Major Sy request permission to join the rank, Sir." Seryoso kong sabi habang naka-salute.
"Join."
"Sir thank you sir."
Nang makapasok na ako sa formation ay ipina-tsun kaming lahat habang nagbibigay ng instructions ang aming corps.
"Alpha, doon kayo sa main entrance. Bravo, sa english department. Charlie, sa entrance two. Delta, kayo ang crowd control kasama ng echo. Foxtrot, sa garden kayo habang ang RRC company ay sasama sa aming Staff na maglibot." Sir Joan, our corps commander instructed. "Clear?"
"Sir clear sir!"
"Okay,proceed sa designated area niyo."
Since ako ang Bns4 ay kasama ako ng staff. Sabay kaming lumabas ng HQ at pumunta sa school quadrangle kung saan may Friday Mass na gaganapin. We decided to split into pairs at kasama ko si Irish, ang RRC company ex-o at buddy ko.
Kahit mag-buddy kami ni Irish ay hindi kami ganoon ka-close. Nasanay kasi ako na si Avril lang ang nag-iisa kong kaibigan kaya awkward para sa akin na makipag-close sa ibang babae. It's quite ridiculous but I feel awkward with other girls.
"Buddy nakagawa ka na ba ng activity mo sa science?" Tanong ni Irish. Naglalakad kami ngayon sa Science department para i-check kung may mga estudyanteng nagtatago dahil ayaw nilang umattend ng misa.
I mentally facepalmed when I realized that I forgot to do my homeworks. Ang tanga mo talaga, Diana Rain Sy.
"Judging from your expression, mukhang alam ko na ang sagot." Natatawang sabi ni Irish.
I sheepishly smiled. "Kukopya na lang ako kay Avril mamaya."
Sasagot na sana siya nang biglang dumating si Tina ang adjutant namin. Hinihingal pa nga siya.
"May nag-aaway na mga grade twelve doon sa main gate. Kayo ang pinakamalapit kaya puntahan nyo muna doon at tulungan sina corps. Tatawagin ko muna ang ibang officers." Sabi niya.
"Ma'am yes ma'am."
Sabay kaming tumango ni buddy at tumakbo papunta sa direction ng gate. Ilang classrooms lang ang pagitan namin kaya mabilis kaming nakarating doon.
Pagdating namin ay may isang guard na ring timutulong kina corps. Pilit nilang pinapakalma ang dalawang lalaki na mukhang nagsuntukan kanina. Ang isa ay dumudugo pa ang ilong.
I frowned when I saw that North is one of them. Namumula sa galit ang mukha niya at dumudugo rin ang kanyang kanang kilay.
Tssk. Here comes another case where North will get away without any punishment again. Bakit ba ang hilig niyang makipag-basag ulo? Wala naman siyang makukuha mula sa mga away niya.
"Anong problema?" Tanong ko.
"None of your business." Sagot ng lalaking kalaban ni North.
Tinaasan ko siya ng kilay. "It is one of our duties and responsibilities to maintain peace here in our school. Obviously, this is our business."
"Dumugo ang ilong ko doon buddy ha." I heard Irish mutter kaya patago ko siyang siniko.
"Dalhin na lang natin kasi sa guidance sila." Sabi ni buddy.
"As if your guidance can scare me." North scoffed. "You know that it'll just be a waste of time to bring me there. Kaya kung ako sa inyo, si Fred na lang ang dalhin niyo doon. He deserves to be kicked out after badmouthing the major sponsor of this school."
So that's what happened. Mukhang kumalat na ang tsismis tungkol sa parents ni North. Well he deserves to be angry if Fred did boudmath them but that doesn't mean he can just punch him.
"No. Kayong dalawa ang nagsuntukan kaya dalawa rin kayong bibisita sa Guidance Office." Strikta kong sabi.
Alam ni corps na napipikon na ako kaya sumunod naman sila kaagad. After bringing them to the guidance ay kinausap muna namin ang guidance counselor.
Bago ako makalabas ng office ay kailangan ko munang dumaan sa harap ng dalawang lalaking nagsuntukan kanina and I swear, if looks could kill kanina pa ako malamig na bangkay dahil sa tingin ni Fred. Tiningnan ko si North but he just looks bored.
Okay Rain, don't let him get to your nerves. Bahala siya sa buhay niya. Wala kang pakielam,okay? I shook my head while going back to our headquarters.
North Kian Curtis, you're such a headache.
BINABASA MO ANG
The Jerk Next Door (Curtis Series #1)
Teen FictionHe is rude. He is self-centered. He is mean. His name is North Kian Curtis and he also happens to be my neighbor. Simula pagkabata ay hindi ko na talaga siya gusto. He is a spoiled brat who likes to tease other people so that he can feel better abou...