Chapter Five

614 29 0
                                    

Tahimik kaming lahat sa sala habang hinihintay ang aming baon. Hindi kami mayaman at minsan ay nagigipit rin kami sa pera. Tulad ngayon.

"Nay may project kami sa Filipino. Bukas na namin ipapasa kaya sinisingil na ako ng mga groupmates ko." Sabi ko.

"Kailangan ko ring bumili ng ingredients para sa recipe na ginagawa namin." Sabi rin ni ate Cloud.

"Sabi ni Ma'am Denio ay dapat daw bukas makabayad na ako ng two hundred para sa fieldtrip." Dagdag ni Star.

Napakagat ako ng labi habang pinapanood si nanay na problemadong nakatingin sa hawak niyang three thousand pesos. Ito na lang ang natitira niyang pera at next next week pa makakapadala si tatay mula sa ibang bansa. Siguradong hindi makakatagal ng isang linggo ang hawak niyang pera ngayon lalo na at marami kaming mga gastusin sa paaralan.

"Sige bayaran niyo na lang muna ang mga project niyo. Susubukan ko mamayang manghiram sa tita niyo ng pang-allowance niyo next week." Sabi ni nanay.

I sighed. "Uhm wag na lang pala nay, hahanapan ko na lang ng paraan na mabayaran ang project ko."

"Sigurado ka?" Tanong ni ate Cloud. "Saan ka naman kukuha ng pera?"

"Uutang muna ako kay Avril." Sagot ko.

"Oh sige. Bayaran mo na lang kapag nakapadala na ang tatay niyo. Pasensiya na at kailangan muna nating magtipid ngayon ha." Sabi ni nanay habang pilit na ngumingiti.

Kaya ayaw ko talaga ng mga panahong ganito eh. Ayaw kong makita ang hirap sa mukha nina nanay at ng mga kapatid ko. Bakit ba kasi hindi pwedeng masaya na lang palagi? Bakit kailangan pa naming maghirap? Kapag ako ang nagkapamilya sa susunod sisiguraduhin kong hindi makakaranas ng gutom ang mga anak ko. Hindi tulad ng sa amin ngayon na papasok ng gutom dahil wala na kaming bigas na natitira.

Tumango kaming tatlo at humalik muna kami kay nanay bago kami umalis ng bahay. Magkaiba kaming tatlo ng paaralan kaya magkaiba rin kami ng dinadaanan. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mansion ng mga Curtis.

I wonder how it would feel like to be North. Yung sa sobrang yaman niyo hindi mo na alam kung anong gagawin mo sa pera mo. Yung kahit anong gusto mo kaya mong bilhin. Yung hindi mo na kailangang mag-alala kung anong kakainin mo kinabukasan. I would do everything to trade places with him even just for a day.

Ayan ka na naman, Rain. Naiinggit ka na naman sa iba. Dapat ko na talagang iwala ang ugali kong ito. Siguradong sesermunan na naman ako ni nanay kapag nalaman niyang nag-iisip na naman ako nito. Hay naku. Ang hirap maging mahirap.

Pagdating ko sa paaralan ay dumiretso kaagad ako sa office ng student council dahil doon palagi nakatambay si Avril. Pagpasok ko ay hinanap ko kaagad siya. As usual ay nakahiga lang siya sa sofa habang hawak ang cellphone niya. May free WiFi kasi ang office nila kaya palagi kaming tumatambay dito.

"Good morning." Bati niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Siguradong naglalaro na naman siya ng mobile legends. Adik ito sa larong yun eh.

"Morning." Matamlay kong sagot at saka ako umupo sa tabi niya. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at naki-connect na rin.

"Mukhang wala ka sa mood ah." Puna niya.

I sighed. "Bestpren, pautang naman oh. Wala akong pambayad sa project natin."

"Sige, ako na lang ang magbabayad."

"Thank you." Nginitian ko siya. "Babayaran na lang kita kapag nakapadala na si tatay."

"Wag na. Libre ko na iyon." Sabi niya at umupo. Pagkatapos ay ginulo na naman niya ang buhok ko kaya pinalo ko ang kamay niya.

"Salamat." Sabi ko na lang.

The Jerk Next Door (Curtis Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon