I groaned while rubbing my eyes sleepily. Kakagising ko lang dahil sa ingay na nagmumula sa kapitbahay. Mukhang nag-aaway si North at ang daddy niya dahil malakas silang nagsisigawan. Kahit inaantok ay pinilit kong umupo at tiningnan ang wall clock.
Wtf. Alas dose na ng gabi ah. Ngayon pa talaga naisipan na mag-away? Urgh. Hindi ba sila nahihiya? Nasaan ang consideration nila para sa kanilang kapitbahay? Gabing-gabi na at nambubulabog pa sila. Hay naku.
Tiningnan ko si ate Cloud. Buti pa ang bruha at mahimbing pa rin ang tulog niya. She's a heavy sleeper so she remained unbothered despite the noise. Naghihilik pa nga siya eh. Ew.
I sighed and I moved closer to the window beside my bed. Since kaharap ng kwarto namin ang mansion, sinubukan kong makinig sa mga sigawan nila.
"You're always like that, dad! You care more for your reputation than your own family!" North's deep voice filled with hatred boomed from their house.
"Wala kang alam North so shut up. I'm tired okay? Tapos ito pa ang uuwian ko?" Came his dad's answer.
"Yeah right. Tired from what? From fucking those gold digger whores in the club?" He scoffed at him.
"You really think I can do that? What do you think of me? You're an ungrateful son!"
"And you're a useless father and husband! If you truly love her, you won't just let her go, damn it!"
A sound of a broken glass can be heard and I'm willing to bet my whole month allowance that North either punched their window or threw something breakable.
Muli akong napatingin sa orasan. Twelve-thirty na. Sampung minuto na pala akong nakikinig sa away ng mag-ama. Hay naku Rain, ang tsismosa mo.
I stood up and went out of my room. Papunta na sana ako sa kwarto nina nanay nang sakto namang nakasalubong ko si Star, ang bunso naming kapatid. Yes, tres marias kaming magkapatid.
"Ate Rain, ang ingay nila." She whined while stomping her feet. "Hindi ako makatulog."
I picked her up. "Ako rin nga eh. Tara, punta tayo kay nanay."
Pagpasok namin sa loob ng kwarto niya ay may kausap si nanay sa kanyang cellphone. Ibinaba ko si Star at lumapit kami para makinig kung sino ang kausap niya.
"Oo, kumpare. Kanina pang alas-onse sila nag-aaway at mukhang matagal pa bago sila titigil. Nagising na nga ang mga anak ko eh. Oo. Sige salamat."Ibinaba na niya ang cellphone.
"Sinong kausap mo nay?" Tanong ni Star.
"Si kapitan. Inireklamo ko na sila at pupuntahan na daw nila." Nanay shook her head. "Simula nang umalis si Alessa ay madalas nang mag-away si Patrick at north."
I sighed. Siguro ay nasasaktan sila dahil sa pag-alis ng ilaw ng kanilang tahanan. But drinking and fighting won't bring her back. Sana ma-realize iyan ni North. Sinisira niya lang ang future niya. Well it's not like I care anyway.
Nang sa wakas ay dumating na si kapitan at pinatahimik sila ay bumalik na ako sa kwarto ko. I jumped on my bed before wrapping myself in my blanket. Now I can finally sleep.
***
I mentally cursed nang makita ko ang mantsa ng ice cream sa aking jacket. Ayan kasi Rain, ang clumsy mo kasi. Lagot ako kay nanay nito. Kulay puti pa naman ang jacket ko.
"Diana Rain." Napatingin ako kay Avril nang sabihin niya ang pangalan ko.
"O?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ang sabi ko bilisan mo nagugutom na ako." Sabi niya at naunang pumasok sa Penshoppe.
Nandito kasi kami ngayon sa mall ni Avril. Since sabado ay naglakwatsa muna kami at may bibilhin rin kasi kaming mga ingredients na gagamitin ni ate sa ginagawa niyang recipe. Pero bago iyon, bibili muna ako ng bagong damit. Umuwi kasi ang ninong ko mula sa Europe at binigyan niya ako ng pera.
BINABASA MO ANG
The Jerk Next Door (Curtis Series #1)
Teen FictionHe is rude. He is self-centered. He is mean. His name is North Kian Curtis and he also happens to be my neighbor. Simula pagkabata ay hindi ko na talaga siya gusto. He is a spoiled brat who likes to tease other people so that he can feel better abou...