Chapter 09

255 19 3
                                    

NAMSHEN

Nagising ako dahil sa pag-ring ng aking cellphone kaya agad akong bumangon sa kama at sinagot iyon.
"Hmm.. Hello? Sino 'to?"

[ Namshen!! Kyahhh! Akala namin ni Tintin kung ano na ang nangyari sayo, nasaan ka ba?! ] Nailayo ko bigla yung cellphone ng marinig ko ang tili ni August.

Hayst. Bakla talaga.

"Shut up. Ang ingay mo, August. Kahit hindi naka-loudspeaker yung cellphone, rinig hanggang sa labas yung tili mo." Iritableng sabi ko kaya natahimik sa kabilang linya. "Huwag kayong praning, nandito lang ako sa bahay." Dagdag ko.

[ Ano? Akala ko ba lalayas ka? Grabe yung paglalayas mo. Ilang oras lang ha. ] Nagtataka na tanong ni Tintin.

"Si Oyan kasi.." Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko dahil baka bigyan na kahulugan ng mga palakang 'to.

[ O, ano naman ang tungkol kay Oyan? ] Singit ni August. Napakamot ako ng ulo habang hindi sila sinasagot.

[ Hoy, Nam. Naghihintay kami. ] Sabi ni Tin kaya napabuntong-hininga ako.

"Umuwi ako ng bahay dahil kay Oyan." Seryosong sabi ko.

Halata yung gulat nila sa kabilang linya dahil pareho silang natahimik.
"Wag niyo bigyan ng ibang mea--" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay narinig ko na ang tilian nilang dalawa kaya napahawak ako sa noo ko. "Hayst. Sabi ko na nga ba.." Bulong ko.

[ Ayieee... Nai-inlove na siya kay Oyan.. ] Asar ni Tin.

[ Oo nga, mukhang umuubra na sayo ang perfect jawline at inosenteng ka-kyutan ni Fafa Oyan. Kyaaaahhh!! ] Kinikilig na sabi ni August kaya napahilamos ako ng mukha.

"Hindi ba kayo titigil sa kakatili niyo?!" Naiinis na sabi ko at hindi na sila hinintay na maka-sagot dahil pinatay ko na yung tawag.

Alam naman nila na ayaw kong inaasar ako lalo na sa mga kalandian na tulad nito. Tsk.

Napahiga na muli ako sa kama ng mapa-upo uli ako.
"Bakit ako napunta dito?" Wala sa sarili kong tanong.


Last thing I know ay katabi ko si Oyan habang nasa labas kami ng kwarto ko. Siguro ay binuhat niya ako papasok ng kwarto at saka tinabihan sa pag-tulog.

Napangiti ako habang iniisip ko iyon. Yung katabi ko siya matulog tapos niyayakap niya ako. Napatakip na lang ako ng mukha dahil sa hindi ko mapigilan na ngiti.

"Pero teka? Nasaan na siya ngayon?" Nagtatakang tanong ko saka mabilis na tumayo para hanapin siya. Tiningnan ko siya sa kwarto ni Kuya Nemo pero wala sila doon.

Nakita ko lang ang mga kalat na libro at unan ni Kuya Nemo. Siguro naghampasan na naman ang dalawang iyon.

"Nasaan si Oyan?" Malungkot na sabi ko at pabalik na ng kwarto ng may tumawag sa akin.

"Mine.." Napangiti ako ng marinig ang boses ni Oyan na nasa hagdanan habang may bitbit na pagkain.

"Oyan.." Para akong bata na lumapit sa kanya. "Bakit ka pa nandito? Hindi ka pa ba papasok?" Nagtataka na tanong ko. Umiling siya at nginitian ako.

"Mamaya pang hapon ang Exam namin. Inurong dahil sa mga freshmen na kagaya mo. Marami kasing freshmen na kukuha ng Exam kaya halos lahat ng rooms ay gagamitin." Paliwanag niya na ikinatango ko.

"Ahh. So, kung ganoon pwede kitang bantayan sa pagre-review." Nakangising sabi ko.

"Opo. Pero bago iyan.. Kumain ka muna." Sabi niya saka inabot sa akin yung pag-kain.

Behind His Innocence (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon