Disclaimer:This is a work of fiction. Names, characters, business, events, places and incidents are either products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
---------------
"I think nandito na tayo." sambit ni mommy sabay park ng kotse namin sa gilid ng kalsada.
I looked around the place na pinaghintuan namin pero puro damo lang naman yung nakikita ko.
"Huh? Eh nasaan na yung bahay na paglilipatan natin?" inis na sambit ko naman.
Inip na inip na ako dahil di ko naman gustong sumama dito pero pinilit lang ako ni mom. May party pa naman akong pupuntahan mamaya.Geez.
"There oh! Ang laki na nga ng mata mo ate di mo pa makita! Tsk." may halong pang-aasar namang turo ni Leticia.
"Sher mo lang Leti. Ha-ha. Umbagan kita diyan eh!" inis na sabi ko with matching sama ng tingin. Makuha ka sa tingin.
"Hahaha pikunin si ate! Bleeeeeeeeh!" pang-aasar niya pa lalo.
Aba't binelatan pa ko. Ang lakas talaga ng loob ng bulinggit na to kaya inambahan ko siya kunyare na sasapakin ko siya.
"Mommmmmmmy!! Away ako ni ate oh!" sumbong ni Leti kay mommy
"Hey! Tumigil na kayong dalawa. Let's go. Baka abutin tayo ng gabi dito." pagsuway ni mommy samin.
Bumaba na kami ng kotseng tatlo. Hindi namin kasama si dad, as usual busy na naman siya sa pagiging detective niya.
"Let's go!" aya ni mommy tapos nauna na siyang maglakad.
Napatigil ako sa pagsunod ng makitang puro madamo yung lalakaran namin. My gosh. Nakashorts lang pa naman ako with matching high heels. Huwaaaaaa.
Napansin naman agad nilang di na ako sumusunod."Oh ano pang tinutunga-tunganga mo diyan ate, pasko ba? Matagal pa yun." sarcastic na sambit ni Leti.
"Tse. Tumahimik kang ampon ka!" balik pang-aasar ko sa kaniya. For sure aatungal na naman siya. Haha.
"Eeeeehh!! Mommy hindi naman ako ampon diba?" Atungal ni Leti kay mommy.
"Sshh. Of course not baby. Wag mo ng pansinin yang ate mo, kulang lang yan sa aruga." Banat naman ni mommy.
Whuuutda?!
"Kyaaaaaaaaah!! Lagot kayo sa'king dalawa!" sigaw ko sabay habol sa kanilang dalawa.
"Waaaaaaaaa moooooommy biliiiiiis!!! Andiyan na si ateeee!!"
Hingal na hingal kami pagkalabas namin sa damuhan. Masasabi ko na talagang napaka-adventurous namin dahil natawid namin ang napakahabang kadamuhan.
Bigla naman akong nakaramdam ng pangangati kaya kinamot ko ng kinamot ang hita ko hanggang sa may nahawakan akong putik.
Napatingin ako sa mga paa ko at nakitang puro putik na yung bago kung heels."Waaaaaaaaaah!! Ohmygoooosh!! Mommy yung heels ko kadurdur na. Huwaaaaaa." pagtatantrums ko.
"Ssssssshhhhh. Hija maari bang tumahimik ka muna" saway sakin nung matanda. Sino naman kaya to.
"Psh." tanging nasabi ko na lang."Magandang araw sa inyo. Tawagin niyo na lang akong Inang Sita. Kayo ho ba si Mrs. Alonzo?" tanong niya kay mommy.
"Ako nga ho. Kinagagalak ko kayong makilala Inang Sita. Siya nga pala sila ang mga anak ko. Heto ang aking bunso( turo ni mommy kay Leti, agad namang ngumiti yung matanda) at heto naman ang aking panganay na anak." Itinuro ako ni mommy tapos tumingin sakin yung matanda at ngumiti pero bakit parang ang creepy naman niyang ngumiti sakin. Tsk.
"Bueno, ako ang namamahala sa bahay na ito. Sa katunayan ay naitayo ito noong panahon pa ng pananakop ng mga Espanyol, kung kayat' makikita na marami na ring pinagdaanan ang bahay na ito. Isa pa'y minsan narin itong naging taguan ng mga rebulosyunaryo noon." paliwanag ng matanda.
Napatingin naman ako sa bahay at masasabi ko talagang ancestral house na yun.
The house was a "bahay na bato" style which have stone foundation on the first floor and made of woods in the upper portion. The house was designed with delicate wood carvings, creative barandillas, a graceful staircase and stylistic balustrades. All in all ang ganda niya kaso ang creepy sa feeling pati narin yung may-ari."Kung ganun bakit niyo po ito ibinebenta kung isa pala ito sa mga historical places ng bansa?" tanong ko.
"Sa kadahilanang hindi naman ito naging popular kung kayat' hindi na nila ito nadiskubre pa. Tumatanda na rin ako kung kayat' kailangan ko na itong maibenta"
Maya-maya pa'y ipinasyal niya na kami sa loob ng bahay. Mukhang aliw na aliw naman sila mommy at Leti sa kabuuan ng bahay.
"Paniguradong magugustuhan ito ng inyong daddy!" excited na bulong sakin ni mommy. Geez. I don't like the ambiance of this house.
Habang papaakyat kami sa hagdan paitaas ay nakarinig ako ng parang may tumutugtog ng piano.
"Ahhmm may ibang tao pa ba dito?" tanong ko sa matanda.
"Wala na hija. Ako lamang ang tumutuloy dito. May problema ba?" balik tanong niya.Nagdalawang-isip naman ako kung sasabihin ko pa yung naririnig ko kasi baka di sila maniwala. I don't believe in ghosts ha pero ayoko namang maka-encounter ng isa.
"Ah eh kasi po... Parang ano.. may nagpapiano sa itaas.." sabi ko. Natawa naman agad si Leti.
"Gosh ate ang paranoid mo!"
Hindi ko na pinansin si Leti, instead nag-focus ako sa magiging reaksyon nung matanda and I can see na nabalisa siya bigla. Hindi ako expert sa mga facial expressions ng tao pero para kasing may tinatago siya.
"N-naku wala iyon hija. Baka guni-guni mo lamang iyon." paliwanag niya pero hindi pa rin ako kumbinsido.
Hindi na muli ako nagtanong pero nagmamasid pa rin ako. Nang makaakyat na kami sa itaas ay naririnig ko pa rin yung nagpapiano.
Habang busy sila sa ibang bagay ay tinunton ko naman kung saan nanggagaling yung tunog ng piano. Naririnig ko siya sa isang kwarto.
Pipihitin ko na sana ang seradura ng biglang may humawak sa kamay ko, yung matanda, ang sama ng tingin niya sakin. Bigla akong kinilabutan.
"HINDI MAAARING BUKSAN ANG KWARTONG ITO!!"
BINABASA MO ANG
Tricked by Fate
Historical Fiction" An invisible "Red strings of Fate" is made by God to tied it around the ankles of a man and woman who were destined to meet and love each other." Pero paano kung nasa magkaiba sila ng panahong pinagmulan? Will they be able to meet each other? Syem...