Kabanata 11

0 0 0
                                    


[Kabanata 11]

Isang nakabibinging putok ng baril ang muli na namang umalingawngaw sa buong selda. Nanginginig ang buong sistema ko sa sobrang takot sa mga humahabol sa akin habang walang tigil ang pagbagsak ng aking mga luha.

Ilang yabag papalapit sa kinaroroonan ko ang muli kong naulinigan kaya kahit nahihirapan ay nagsumiksik ako sa kahit anong matataguan. Bakit? Bakit sa akin nangyayari ang lahat ng ito? Just Pleaseeee… I wanna go back to my timeline… I swear hindi na ako magtatangkang bumalik pa sa panahong tao.

“Binibini~~ nasaan ka na~~? Lumabas ka na riyan hahahahaha!” isang nakakarinding tawa ang naulinigan ko sa mga guardia civil na nasisiguro kong nasa harapan lang ng lamesang pinagtataguan ko.

“Huli ka! Hahaha” agad akong hinugot palabas ng isa sa kanila at buong pwersang itinulak sa sahig.

“P-parang a-awa niyo na… nakikiusap a-ako… Pakawalan niyo na ako..” Ngunit imbes na pakinggan ang hinaing ko ay nagtawanan pa sila saka nila ako nilapitan. Unti-unti naman akong umaatras paurong kahit na hirap na akong kumilos pa.

Walang habas na pinunit ng isang guardia civil ang laylayan ng aking bestida habang nakangisi saka dumalo ang tatlo pa. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko nanaising makita ang kahihinatnan ng tagpong ito.

“Lorenzo….tulong….”









Sa isang hampas ng hangin, Unti-unting uminit ang paligid at tila ba humahapdi ang aking balat sa nararamdamang init. Wala na akong naririnig na tawanan ngunit nanatiling maingay pa rin ang paligid sa sari-saring tunog. Pinilit kong imulat ang mga mata ko ngunit tila ayaw na nitong bumukas sa sobrang hapdi buhat ng labis na pagluha at sa sobrang pagod ay hindi ko na napigilang pumikit.










Namulat ako sa isang lugar kung saan puro puti ang nakikita ko. Maihahalintulad ko siya sa kalawakang parati kong pinagmamasdan sa tuwing ako’y nilalamon ng lumbay. Ito na ba ang tinatawag nilang paraiso? Nasa langit na ba ako?

Inilibot ko pa ang aking paningin hanggang sa mapansin ko ang lalaking natutulog sa isang silya. Nakasuot siya ng barong na puti at itim na salawal, mayroon ding sumbrerong itim sa gilid niyang nakapatong sa lamiseta. Napakahimbing ng tulog niya na tila bang napagod siya sa buong araw. Isang lalaki lang ang agad na sumagi sa aking isipan habang pinagmamasdan ko siya. Sinubukan ko siyang tapikin ng mahina ngunit ng walang makuhang sagot ay sinubukan ko naman siyang tawagin.

“Lorenzo… Lorenzo..”

Tila lumundag ang puso ko ng unti-unti niyang imulat ang mga mata at agad na tumitig sa akin ng may ngiti sa labi.

“Eliza, gising ka na pala” biglang napawi ang ngiti ko ng unti-unting luminaw sa paningin ko ang mukha ni Paul. I feel a bit disappointed.

Agad naman niya akong dinaluhan at inadjust ang headboard ng kama.

“Do you want to eat?” He asked.

“Wait up. Where are we?”

“Hospital.”

“Huh. P-Paano.. Bakit?”

He smiled politely. He’s so cute.. pero bakit wala man lang akong madama sa kanya? Bakit dati naman hindi magkamayaw ang tibok ng dibdib ko pag nasa malapit siya? I thought I had a huge crush on him since highschool..

“Nakita ka namin sa harap ng school. I felt really nervous ng matagpuan ka naming walang malay and your clothes.. it’s all wrecked. What was really happened to you?”

“I..I was..” Di ko alam kung anong sasabihin ko o kung sasabihin ko bang narape ako.. Malabo ang mga ala-alaalang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko.

Tricked by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon