Kabanata 6

22 9 0
                                    

[Kabanata 6]

Nakatulala ako habang tinutusok-tusok ko ang pagkaing nakahain sa plato ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng ganang kumain.

"Hija kanina mo pa hindi nagagalaw ang iyong pagkain. May problema ba?" tanong ni Inang sa akin. Napailing naman ako pero deep inside ayaw ko naman talagang kumain dahil hindi ako sanay sa kamote, saging, tuyo at kape para sa almusal. Duuuhh. Lumaki ako sa marangyang pamumuhay at never pa akong tumikim noon. Bukod pa roon ay naiirita ako ngayon sa nasa harap ko. Halos mapairap ako sa tuwing nagkakasalubong ang mga paningin namin.

"Ipinaghimay na kita ng tuyo, binibini. Kumain ka na, hindi maganda para sa iyo ang malipasan ng gutom." inilapag ni Lorenzo ang tuyo sa plato ko. Psh. Lalo niya lang pinapainit ang ulo ko. Certified playboy talaga siya dahil pagkatapos niya akong bigyan noon ay pinaghimay niya rin si Rosalia.

"Wala ho akong ganang kumain. Pasensya na." turan ko at tuluyan na akong tumayo at umakyat sa aking silid.

Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay magdamag na lang akong nagkulong sa silid ko. Ewan ko ba, parang iritable ako sa nakikita ko sa labas ng silid na ito. In short, si Lorenzo.

Hindi ko naman kasi akalain na may ultimate playboy na rin pala sa panahong ito. Una, sinama niya ako sa paborito niyang lugar kuno at pangalawa buong puso naman ang pagngiti niya kay Rosalia kanina. Argh! G na G talaga ako sa kaniya!

Kung akala niya mauuto niya ako sa pagsama sa akin sa favorite place niya, pwes wag ako! For sure marami na siyang naisama doon ano. Hmmp. Hinding-hindi niya ako mauuto.

Humiga na lang ako at nagprepara na sa pagtulog. Napalabi naman ako ng may kumatok sa pinto.

"Pasok!"

Lalo naman akong napasimangot ng makitang si Rosalia pala ito.

"Magandang hapon binibini. Nais mo bang makipagkwentuhan? Sa tingin ko kasi'y nababagot ka na dito." ngiting-ngiti niyang sabi sa akin, napairap naman ako ng palihim.

"Okay" Shocks! Stop it Eliza! You look like a jealous pig here! Nakikipagkaibigan lang naman siguro siya.

"Oki?" naguguluhan niyang tanong. Napangiti naman ako ng maalala kong ganitong-ganito rin ang reaksyon ni Loren-- ayyyt! Siya na naman!

"Ang sabi ko ay sige."

"Alam mo ba binibini, isa na akong ulilang lubos at nakasama ko ang mga magulang ko sa maiksing panahon lamang. Noong ako'y nasa labing dalawang taon na nakilala ko si Inang Sita at siya na ang nag-aruga sa akin.. sa amin." pagkikwento ni Rosalia. May malungkot pala siyang nakaraan.

"Nasaan na ang mga magulang mo kung ganun?" tanong ko sa kaniya.

"Pinatay sila. Pinapatay sila ni Don Geronimo" nakayukong sabi nito. Marahil ay nagpipigil siya ng iyak.

"Bakit hindi ninyo siya sinampahan ng kaso? Hindi ba't ganun kapag kilala niyo naman kung sino ang pumatay sa kanila"

"Walang laban sa kanila ang mga mahihirap na tulad namin. Siguradong babaliktarin lang nila kami at sa huli kami pa ang mahahatulan ng kamatayan." tuluyan na siyang lumuha. Hindi ko naman alam kung paano ko siya patatahanin. Tinapik ko na lang ng mahina ang likuran niya.

"Batid kong sariwa pa sa iyong gunita ang masaklap na pangyayaring iyon. Hayaan mo! Kapag nakita ko yung Geronimo na iyan, sisiguraduhin kong sasampalin ko siya at sisipain ng sooooobrang lakas na magiging dahilan ng pagkabingi niya!" matapang na sabi ko at kunwaring nag-aaction star pa.

Nagtagumpay naman ako dahil tumigil na siya sa pag-iyak at napangiti ko siya.
"Isa ka talagang natatanging babae, binibini. Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa iyo."

Tricked by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon