Kabanata 12

0 0 0
                                    

[Kabanata 12]


Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang panyong nakuha ko sa aking silid. Pulido at malinis ang pagkakaburda ng pangalang ‘MARGARITA’ sa panyo. Madami din akong nakalap na mga telang may kaniya-kaniyang disenyo ng burda. Pilit ko pang tinitigan ang panyo na tila ba may makukuha ako ditong kasagutan kung sino ang may ari nito at paano niya napasok ang buhay ko. Hindi kaya siya ang ninuno namin na naligaw din sa panahon ko? Kumbaga, siya ang lola ng lola ng lola ng lola at kalolalolahan ng—


“ELIIIZZZZZAAAAA!!”


“Ayy lolang bakla!”


“Gaga! Hindi pa ko tanders nu!”


“He-he.. Sorry baks!”


“Ey kanino bang lola ang hinahanap mo at mukhang yun ang gumugulo sa isip mo?”


“W-wala..”


“Hmmp. Uyy field trip na pala natin bukas” tumango lang ako.


“Si Angel nga pala nasaan?” pag-iiba ko ng usapan.


“Hay naku. Hindi ko maintindihan sa bruhang yun bigla na lang siyang umiwas sa akin simula ng hindi ko sinasadyang mahalikan siya..”


“Whaaat?! N-nagkiss k-kayo?”


“Nooo. It’s just a misunderstanding.”


“Hahahaha. Sinasabi ko na nga ba hindi ka ka-pederasyon!” sabi ko sabay takbo dahil siguradong sasabunutan niya ako. Nakakatuwang isipin na mukhang magbabago ang ihip ng hangin para sa mga kaibigan ko.









“Eliza!” bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Paul.


“Ahh.. Hi!”


“Pwede ba tayong mag-usap?” wika niya na sinagot ko naman ng isang tango. Sumunod ako sa kanya ng magsimula na siyang maglakad. Huminto siya sa library ng school namin, hindi ko akalain na mahilig siya sa mga libro. Sumunod ako sa pagpasok niya. Agad naman kaming binati ng aming librarian na si Mrs. Mendez.


“Masaya akong makitang magkasama pa kayo sa pag-aaral dito. Mabuti at naimpluwensiyahan mong mag-aral ng mabuti si Miss Alonzo, Paul.”


“Hindi naman po. Si Eliza po ang nagdala sa akin dito. Naalala ko pa nga nung tinanong niya sa akin kung nasaan ang silid-aklatan ng unibersidad na ito. Akala ko nga po ay nagbibiro lang siya dahil ang lalim niya kung magsalita. Pero nung makita ko kung gaano siya kasipag basahin ang bawat libro ay napatunayan kong mahilig talaga siya sa libro” Wika niya sabay ngiti ng marahan.


“Kung ganun ay masaya ako sa pagbabago mo, Eliza. Mas mabuti kung ipagpapatuloy mo ito.” Wika ni Miss Mendez. Kung pwede ko lang sabihin na hindi dapat nila pakisamahan ang babaeng inaakala nilang ako kaso hindi maaari dahil iisipin lang nilang baka nawawala na ako sa katinuan.


“Tara na?” aya ni Paul. Tumango naman ako saka kami umupo sa bakanteng upuan. “Ano nga ulit yung pag-uusapan natin?” tanong ko.


“Uhh.. gusto sana kitang imbitahan sa birthday ko. Sa bahay lang naman ito gaganapin.”


“Ahh yun lang pala. Sige pupunta ako.” Sambit ko at ngumiti ako sa kanya. He is so gentle. That’s why I liked him that much before. Bukod pa dun, may angking kagwapuhan talaga siya. May pagkasingkit ang mga mata niya, may kakapalang kilay, matangos na ilong at magandang kurba ng labi, maputi din siya at matangkad at may magandang hubog ng katawan. Sa katunayan ay isa siya sa varsity player ng university at popular sa mga kababaihan. Kaya nga gustong-gusto ko siyang mapasakin noon para mas lalo akong maging popular at kainggitan ng iba. Higit pa dun, siya ang nasa top list ng mga gusto kong maging boyfriend.

Tricked by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon