Chapter Two

5 3 0
                                    

"Sammy, I like you." Nabigla si Sammy sa biglaang confession ni Prymo dahilan para matameme siya. Halos lumabas na rin ang puso niya sa dibdib niya sa sobrang bilis ng pagkabog nito.

"H-ha? A-anong sinabi mo, kuya?" Nauutal na sagot ni Sammy.

"Gusto kita, Sammy." Pag ulit nito. Mas nabigla siya nang bigla siyang hilahin ni Prymo palapit sakanya at dahan dahang inilalapit ang mga labi nito sa labi niya.

"A-ah eh... Pero, kuya? M-magkapatid tayo.." mahinang sabi nito sa kuya niya at ginagawa yung best niya na wag mag likot.

"Hahalikan na kita, Sammy." Kinakabahan na si Sammy sa gustong gawin ng kuya niya, napapikit nalamang ito at hinintay ang pag dampi ng labi nito sa labi niya nang biglang mag liwanag ang lahat.

"Panaginip lang pala..." usal nito pag mulat ng mga mata niya. Bumangon siya mula sa pag kakahiga saka hinawakan ang dibdib niya na pawang may karera sa loob nito.

"Sayang 'di natuloy." Sabi niya sa sarili. Namula naman siya sa sariling nasabi kaya napatili siya at gumulong gulong sa kama.

*knock* *knock*

"Sammy? Gising ka na ba?" Tanong ng kanyang kuya sa labas ng kwarto niya. Dali dali siyang tumayo sa kama saka pinag buksan ng pinto ang kuya niya.

Si Prymo at Sammy pati na rin ang dalawang maids nila ang natira sa bahay nila dahil nag out of town ang mga magulang nila para mag celebrate ng anniversary nila at 2 weeks after pa ang uwi nila. Sembreak din nina Prymo at Sammy kaya nasa bahay lamang sila.

"Good morning, lil princess. How's your sleep?" Nakangiting bati nito sa kapatid. Nakaramdam naman ng kilig si Sammy.

"Good morning, kuya. I had a dream at secret lang yon." Bumungisngis siya at tinakbuhan ang kuya niya pababa sa hagdan. Kinabahan naman si Prymo sa ginawa ng kapatid.

"Sammy! Wag kang tumakbo sa stairs baka mahulog ka!" Nag aalalang sita nito sa kapatid pero di siys nito pinansin. Napakamot nalamang siya ng ulo.

****

"Mukhang uulan, ah? 5pm palang pero masyado nang madilim ang kalangitan." Sabi ni Prymo nang all-ready na sila para pumunta sa amusement park.

"Hindi yan uulan. Tara na, kuya." Sabi nalang ni Sammy at binuksan ang pinto ng kotse at dali daling pumasok sa loob. Sumunod nalang din si Prymo.

Habang nasa kotse sila ay pakanta kanta si Sammy at natutuwa nalamang sakanya. Pero napansin din niyang lalong nag didilim ang paligid dahil sobra nang makulimlim.

Habang tinatahak nila ang daan papuntang amusement park, nag simula nang umambon hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan.

"Naku, ang lakas na ng ulan. Mukhang hindi na tayo matutuloy sa amusement park." Sambit ni Prymo.

"Nakakainis naman yang-- AHHHHHH!" Hindi na natapos ni Sammy ang sasabihin niya nang mapatili siya at mapatakip ng tainga dahil sa lakas ng pagkulob. Naulit ang malakas na pag kulob dahilan para mapahagulgol na siya sa takot.

Tumigil muna saglit sa tabi ng kalsada si Prymo para ilapit sakanya ang kapatid. Nasasaktan siya sa nakikita niya dahil ayaw niyang nakikitang umiiyak ito. Iginaya siya ni Prymo sa tabi niya at niyakap ito gamit ang isang braso niya saka siya nag simulang mag maneho pauwi sakanila at ilang sandali lang ay nakauwi na rin sila.

"Sammy, don't be scared. Kuya's here." Ani Prymo habang pinapatahan ang kapatid na patuloy parin sa pag hagulgol. Hinimas himas niya ang likod nito nang kumulog ulit at mapatili si Sammy dahilan para mapayakap siya kay Prymo.

Kinarga siya ni Prymo paakyat sa kwarto niya at inilapag na siya sa kama niya. Nag paalam muna si Prymo na mag hintay muna ito dahil may kukunin siya sa kwarto niya sa kabila. Agad naman siyang pinigilan ni Sammy.

"No, kuya. Don't leave me. Sama ako." Mangiyak ngiyak na sabi nito. Pumayag naman si Prymo at tumungo siya sa kwarto niya. Lumuklok si Sammy sa kama ni Prymo at habang si Prymo ay kinakalkal ang drawer niya.

"Wear this, para hindi mo na marinig ang kulog." Isinuot na ni Prymo sakanya ang headphone nito at nag play ng music na tama lang ang lakas para hindi niya na marinig ang paligid niya. Dahan dahan na itong kumakalma at ilang sandali lang ay humihilik na ito. Tinitigan naman ni Prymo ang kapatid at humiga sa tabi nito.

"Kawawa naman ang kapatid ko. Napagod siguro kakaiyak." Ani Prymo habang hinihimas himas ang buhok ng kapatid.

To be continued...

I, Who Fell For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon