Chapter Four

3 5 0
                                    

Tanghali na at kasalukuyang nag lalaro ng ps4 ang mag kapatid sa kwarto ni Prymo.

"Ihhh! Ang daya mo naman kuya eh." Anas ni Sammy. Naiinis siya sa kuya niya dahil lagi itong natatalo sa duelo nila sa laro.

"Anong madaya? Wala namang daya sa larong yan eh." Natatawang sagot naman ni Prymo sakanya na lalong ikinainis ni Sammy dahilan para ihagis niya ang controller na gamit at muntik pa itong mahulog. Inis na sumandal siya sa headboard ng kama.

"Wala na, pikon na ang baby sis ko." Binitawan ni Prymo ang controller na hawak niya saka tinabihan ang kapatid.

"Don't call me baby nga. Hindi na ko baby." Malamig na sabi nito.

"Sorry na, Sammy." Pagsuyo niya sa kapatid pero hindi siya inimik nito.

"Hmmmm. Malulungkot si kuya kapag 'di mo ko pinansin. Gusto mo ba 'yon?" Sabi niya pa pero hindi parin siya iniimik nito.

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?" Malungkot na sabi nito. Kunot noo siyang nilingon ni Sammy saka inirapan niya rin.

"Lil sis naman eh. Wag ka na magalit sakin." Inakbayan niya si Sammy saka isinandal sa dibdib niya. Di naman umangal si Sammy pero hindi parin niya ito iniimik.

"Ah alam ko na," humara siya kay Sammy. "Gusto mo ng ice cream? Yung strawberry? Gusto mo non 'di ba?" Nabuhayan naman si Sammt dahil narinig niya ang favorite niya.

"Oo, kuya! Gusto ko nun!" Masayang sabi niya. Natuwa naman si Prymo dahil mukhang okay na sila.

***
"Hayan may ice cream ka na. Wag ka nang magalit sakin, ha?" Sabi ni Prymo sakanya.

"Hindi na ko galit sayo." Masayang sagot ni Sammy habang nilalantakan ang strawberry ice cream. Pinanood siyang kumain ni Prymo at natawa.

"Ang kalat mo namang kumain eh." Natatawang sabi ni Prymo saka pinahiran ng tissue yung bibig niya.

"Ang sarap kasi eh."

"Sige lang. Pag gusto mo pa kukuhanan pa kita."

"Hmmmm. Kuya?" Tawag ni Sammy kay Prymo.

"Hm? Ano yun?"

"May girlfriend ka na ba?" Tanong nito. Natawa naman si Prymo.

akong mag girlfriend?" Tanong ni Prymo.

"Ayoko. Wag ka na mag girlfriend." Sagot ni Sammy habang kumakain parin ng ice cream. Natawa si Prymo at inakbayan ang kapatid.

"Bakit naman ayaw ng lil sis ko?"

"Ayoko. Basta."

"Ayaw mo yun? Kapag nagka girlfriend na si kuya may ate ka na." Nakangiting sabi nito sakanya. Nang maubos ni Sammy yung ice cream, nilapag niya na yung baso sa side table ni Prymo. Lumapit ulit siys kay Prymo.

"Ayoko ng ate. Okay na ako sayo, kuya. Okay na ko na tayo lang dalawa." Sagot ni Sammy habang nakatitig kay Prymo.

"Hmmm. Sammy, syempre balang araw kailangan din ni kuya ng makakasama niya habang buhay. Kahit ikaw din, darating tayo sa point na makakapag asawa na tayo." Paliwanag ni Prymo sakanya.

Hindi nagustuhan ni Sammy ang sinabi sakanya ni Prymo at sa totoo lang ay nasasaktan siya sa katotohanang hindi sila habang buhay na mag kakasama kaya hindi na niya napigilang maluha. Dali dali siyang tumayo sa kama ni Prymo at tumakbo papunta sa sariling kwarto niya. Pagkapasok niya'y nilock niya agad ang pinto at humagulgol sa unan niya.

"Sammy? Why are you crying? May nasabi ba 'kong mali?" Sabi nito habang kumakatok katok sa pinto niya. Umiiyak lang si Sammy.

Sobra siyang nasasaktan sa nasabi ni Prymo. Ayaw niyang mag mahal ito ng iba, at mas lalong ayaw niyang mag asawa ito ng iba. At gayon din siya sa sarili niya. Ayaw niyang mag mahal at mag asawa ng iba dahil ang kinikilala niyang kapatid at kuya ang gusto niya. Naiinis siya kung bakit niya pa naging kapatid si Prymo. Naiinis siya dahil naging kapatid niya pa ang taong tinitibok ng kanyang puso.

"Sammy, open the door." Patuloy na pagkatok niya pero hindi parin siya pinagbubuksan ng kapatid. Nalulungkot nanaman siya dahil umiiyak nanaman ito. Ilang sandali ay napag pasyahan niyang hingin ang susi ng kuwarto niya sa maid.

"Sammy..." sabi niya saka nilapitan ang kapatid nang mabuksan ang pinto. Parang kinurot ang puso niya nang makitang humahagulgol ito.

"Ano bang mali sa nasabi ko?" Tanong nito sa kapatid. Hindi siya iniimik nito. Bumuntong hininga nalamang siya.

"Ayaw mo ba talagang mag girlfriend si kuya?" Mahinahong tanong niya rito. Napansin niyang tumigil ito sa pag hagulgol pero humihikbi parin ito at dahan dahan naman niyang hinarap si Prymo. Nalungkot naman si Prymo nang makita ang itsura ng kapatid kaya pinahid nito ang luha nitong nag kalat sa kanyang mukha.

"I'm sorry. Kasi pinaiyak ka ni kuya." Malungkot na sabi nito sa kapatid.

"K-kuya... Wag ka nang m-mag girlfriend.. Please?" Sabi nito saka naiyak ulit.

"Shhhhh. Oo, hindi na mag g-girlfriend si kuya. Stop crying now." Sabi nito saka pinapatahan ang kapatid. Niyakap niya ito at hinimas himas ang likod. Humarap naman ulit si Sammy sakanya.

"P-promise?" Tanong nito.

"Yup, I swear. Kaya wag ka nang umiyak, please?" Sabi niya sa kapatid saka pinapahid ang luha ng kapatid. Tumigil naman na si Sammy sa pag iyak pero humihikbi parin ito.

"There... There..." niyakap ni Prymo ang kapatid saka hinimas himas ang buhok nito.

"Ayaw kang makita ni kuya na umiiyak because it hurts him. And kuya having a girlfriend makes my lil sis cry so... Hindi nalang mag gigirlfriend si kuya." Dagdag pa nito. Napangiti naman si Sammy saka mahigpit na niyakap si Prymo.

"I love you, kuya." Sabi ni Sammy. Napangiti rin si Prymo.

"I love you too, lil sis." Sagot nito.

To be continued...

I, Who Fell For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon