Chapter One

22 2 0
                                    

Past..

"Mommy? Daddy? Sino sya?" Bungad ng isang batang babaeng nag ngangalang Sammy na may yakap yakap na manika, sa mga parents niyang kauuwi lang.

"Ah baby.." Sandaling tumigil ang kanyang ama at tumingin sakanyang asawa saka nag ngitian silang dalawa.

"Your brother." Masayang pagpapakilala nila sa batang lalaking dala dala nila. Hindi sila sinagot ni Sammy at binigyan sila ng nagtatakang tingin.

"Aren't you going to give your brother a hug?" Nakangiting tanong ng kanyang ama. Tinignan niya lang sila at binaling niya naman ang tingin niya sa lalaking kasama nila. Nakatitig lang din ito sakanya saka siya nginitian nito.

"Hi, Sammy." Pauna ng batang lalaki na may ngiti parin sa labi nya. Lumapit sya kay Sammy saka niyakap niya ito. Napatingin naman siya sa parents nya at hindi parin naaalis ang nagtatakang tingin nito sa kanila. "Ako si Prymo." Pagpapakilala ng batang lalaki nang kumalas sya sa yakap.

"Baby, he's your kuya na. We adopted him kasi wala na syang parents. Saka para may kalaro ka na." Masayang sabi ng kanyang ina saka hinimas nito ang ulo ng kanyang anak.

"Talaga? He can play barbie dolls with me?" Masayang tanong nito sakanyang ina. Sandaling nag tinginan ang mag asawa at natawa.

"Sure, I can play barbie dolls with you, Sammy." Napatingin naman si Sammy kay Prymo.

"Prymo? Are you sure?" Tanong ng kanyang ama kay Prymo at nginitian lang sya ng batang lalaki.

"It's okay, dad. I can play barbie dolls with her." Sagot nya saka ibinaling ang kanyang tingin kay Sammy na nakababatang kapatid na nya. "Maglalaro tayo ng barbie dolls ha?"

"Talaga kuya?! Come on, come on! Let's plaaay!" Masayang sabi ni Sammy saka hinila sya paakyat sa kwarto niya.

*****
After 2 years...

*Sammy's 7th birthday*

"Happy birthday, Sammy..." masayang kanta nila sa last part habang nakaharap si Sammy sa cake niya.

"Make a wish na then blow the candle!" Masayang sabi naman ng kuya niyang si Prymo. Pumikit naman si Sammy at nag wish pagkatapos ay hinipan na niya ang candle.

"Yeheeeey!" Nagpalakpakan ang parents ni Sammy.

"Baby, this is dad's gift for you." May ngiting sabi ng kanyang ama saka iniabot na sakanya ang isang malaking regalo na halos kasing laki lang niya.

"Wow! Can I open it na ba?" Sabik na tanong ni Sammy. Sinenyasan siya ng ama at dali dali niya naman itong binuksan.

"Wow, daddy! Ang laki po nitong barbie doll. Thank you, daddy!" Niyakap naman niya ang ama at hinalikan ito sa magkabilang pisngi.

"And this is mommy's gift for you naman." Masayang inabot ng ina niya ang regalo sa anak, dali dali naman itong binuksan ni Sammy.

"Waaaah! A doll house! Yaaaaay, thank you mommy!" Niyakap niya rin ang ina at hinalika din ito sa mag kabilang pisngi.

"And this is kuya's gift for you naman." Ani Prymo at iniabot ang gift sa kapatid. Maliit na regalo lamang ito dahil maliit lang ang lalagyan.

"What is this kuya?" Tanong ni Sammy sa kanyang kuya.

"Open mo kasi para malaman mo." Sabi naman ng kanyang kuya na may ngiti sa labi. Binuksan naman ito ni Sammy at bumungad sakanya ang isang pink na box at binuksan niya rin ito.

I, Who Fell For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon