Chapter Seven

4 0 0
                                    

Sammy's POV

Naalimpungatan ako nang magising ako ng alarm clock ko. Medyo tinatamad pa kong tumayo kaya I stayed in bed ng mga 5 mins. After, napagpasyahan ko nang maligo dahil ang lagkit lagkit ko talaga.

"Kuya Prymo talaga." Sabi ko nalang nang makapasok na ko sa banyo nang maalala ko ang nangyari samin kagabi. After ko namang maligo, dali dali na 'kong nag bihis.

***
"Dito na tayo. Mag ingat ka sa loob ha? Wag kang titingin sa ibang guys." Habilin ni kuya nang maihatid na niya ako sa school. Nginitian ko siya.

"Sobrang loyal kaya ako sayo. Ikaw ang wag tumingin sa ibang girls." Nakangusong sabi ko naman. Tinawanan niya ko saka kinurot sa ilong.

"Mas loyal ako. At mas lalong hindi kita ipagpapalit kahit kanino, ano." Sabi niya. Kinilig ako kaya kinagat ko ang labi ko.

"Osya." Lumapit si kuya sakin saka hinalikan ako. Sinagot ko ang halik niya and we are now passionately kissing. Kumalas na ko agad.

"Sige na, pasok na ko. Baka hindi ako makapag pigil at mag cutting class nalang ako." Natatawang sabi ko.

"Ingat ka, kuya. I love you." Nakangiting sabi ko.

"I love you too." He answered. I gave him a peck on his lips bago lumabas sa kotse niya.

***
"Any questions?" Tanong ng prof nang matapos siyang mag discuss. Wala naman na nag tanong.

"Okay, dismissed." She said then we started packing up our things.

"Uy, tambay tayo sa coffee shop sa sunrised." Anyaya ni Joyce.

"Ge lang." I said.

"Teka, C.R muna ako." She said. Lumabas na kami ng room at dumiretso si Joyce sa CR. Didiretso sana ako sa canteen nang may bumunggo saakin at nahulog ang bag ko.

"Ano ba naman yan!" Inis na sabi ko saka akmang dadamputin ang bag ko nang may dumampot nito.

"I'm so sorry--" napatigil siya nang makita ako at gayon din ako. He looks so familiar.

"Strawberry girl." Sabi niya saka inabot sakin yung bag ko. Kinuha ko naman sakanya iyon.

"Hey, you look familiar." I said analyzing him.

"It's me, Noah." Pagpapakilala niya.

"Ahhh ikaw yung papansin na guy sa Sunrised Café." I said nang makilala ko siya.

"Wow, grabe naman yung papansin. I just wanted to be friends." Sabi niya saka nangamot.

"Bakit ka nga pala nandito? Sinusundan mo 'ko ano?" Nakapameywang na tanong ko sakanya.

"No. I wasn't actually. Dito ako nag aaral. Sa college department ako." He said. Nabigla naman ako. What a coincidence.

"Then anong ginagawa mo dito sa highschool department?" I frankly asked.

"Oh! Kuya Noah. Napunta ka rito." Sulpot ni Joyce.

"Pinapasundo ka sakin ni mommy Riz, isasabay na kita sa venue kung saan mangyayari yung Family Reunion." Sagot naman ni Noah kay Joyce.

"What? Kuya? Joyce, panganay ka diba?" Nagtatakang tanong ko. Natawa naman siya.

"Pinsan ko siya. And mommy talaga tawag namin sa mga tita namin. Sorry di ko na kuwento." She said. Now, this is really a coincidence.

"Di mo naman sinabing may kaibigan kang ganito kaganda, insan." Sabi naman ni Noah. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Wala, busy eh. Kahit ikaw din naman. Siya nga pala, pupunta nuna kami sa Sunrised Cafè tutal mamayang 7pm pa naman yung reunion. Sama ka na." Pag aya ni Joyce sakanya.

"Ha? Akala ko ba tayo lang?" Pabulong na anas ko sakanya.

"Isama nalang natin siyaaa. Pinapasundo nga ako ni Mommy remember?. Sige na wag ka nang kj." Pamimilit ni Joyce. Bumuntong hininga na lamang ako.

***
"Mahilig ka talaga sa strawberry, ano?" Sabat naman ng nasa harap ko. Nasa Sunrised Café kami ngayon kasama itong Noah na 'to.

"So?"

"Bakit ba ang taray mo sakin? Wala naman akong ginagawang mali ah." Natatawang sabi niya. I just rolled my eyes.

"Naiirita ako sayo." Sabi ko nalang.

"Bagay kayo." Biglang sabat ni Joyce.

"No way." I said. Namataan kong ngumiti lang si Noah.

"No way ka jan. Gwapo naman 'tong pinsan ko ah? Saka, single ka rin naman diba? Single din tong si insan." Nang aasar na sabi ni Joyce.

"So what?" Sabi ko nalang. Nag kwentuhan lang kami sa coffee shop at syempre hindi ko pinapansin yung Noah na yon. Idk, may bad feeling ako sa lalaking yun.

"5pm na pala, kailangan ko nang umuwi." Pagpaalam ko.

"Hatid na kita." Boluntaryo ni Noah.

"No thanks, I can manage." Agad na sagot ko.

"Delikado na sa labas. Baka ano pang mangyari sayo so I insist." He said.

"Sabi ko, kaya ko. Sige mauna na ko, Joyce." Sabi ko saka hinalikan siya sa cheeks.

"Sige, Sam. Ingat ka." She said at tinanguan ko lang siya. Nang makalabas na ko ng coffee shop, nilakad ko muna ang daan dahil nasa loob ang coffee shop at nasa labas pa ng street na ito ang sakayan ng taxi. Hindi ko matawagan ang driver ko dahil day off niya ngayon. Ang parents ko naman ay malamang eh nasa trabaho pa.

Habang nag lalakad, may grupo ng mga kalalakihang nag iinuman at nag tatawanan. Nakaramdam ako ng kaba nang piniswitan ako ng isa sakanila. Hindi ko sila pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad.

"Uy, miss. Pst." Tawag pa nung isa. This time binilisan ko na ang lakad ko nang ako ang tinutukoy nila.

"Hoy, miss. Tinatawag kita." Sabat pa nung isa saka tumayo mula sa kinauupuan niya. Tatakbo na sana ako nang pigilan ako ng tumayong lalaki kanina.

"B-bitawan nyo po ako. K-kailangan ko nang umuwi." Utal na sabi ko.

I'm scared..

"Mamaya ka na umuwi, shot muna tayo." Sabi pa nung isa nang makalapit sakin.

"Ang ganda mo naman, miss. Samahan mo muna kami kahit saglit lang." Sabi pa nung isa saka hinawakan ako sa bewang.

Nakakadiri sila..

"Lumayo kayo sakin!" Sigaw ko saka tinulak ang nasa harapan ko saka nag simulang tumakbo at malas ko nga naman nang mahuli ako ng isa sakanila. Napaiyak na ko sa takot.

"B-bitawan mo ko! Tulo--" sisigaw na sana ako ng tulong nang takpan nung lalaki ang bibig ko.

"Wag ka nang pakipot miss. Paisa nalang." Sabi nito saka sinimulang hawakan ang hita ko, lumapit na rin ang iba sakanila at patuloy lang ako sa pag pupumiglas.

Tulungan nyo ko...

"Bitawan nyo siya." Sabi ng pamilyar na boses at sa isang iglap ay isa isa nang bumulagta sa sahig ang mga lalaking balak akong babuyin.

"N-Noah.." Humihikbing sabi ko. Lumapit siya sakin saka niyakap ako. Hindi ko na napigilang mapahagulgol sakanya.

"Hey, okay na. Wala na.. Shhhh.." Pag papakalma niya sakin. Nararamdaman ko ring hinahagod niya ang likod ko.

"N-natatakot a-ko.. Natatakot--" nanginginig at humahagulgol na sabi ko.

"Shhhhh.. Shhhh.." He hushed then cupped my face. Niyakap niya ako at hinayaan lang akong umiyak sa dibdib niya.


To be cotinued...

I, Who Fell For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon