Chapter Eight

1 0 0
                                    


Sammy's POV

"Ang boring." Sabi ko habang nakahilata sa kama. Wala si kuya Prymo kasi nasa trabaho siya at every sundays ang day off niya. Ang parents ko naman ay nasa baba, mga nag lalampungan for sure. Si Joyce naman eh busy yon every saturdays sa piano lesson niya. Habang nakahilata lang at nakatitig sa kawalan, narinig ko ang text tone ng phone ko. Kinapa kapa ko ang cellphone at nang mahawakan ko ito ay chineck ko kung sino yung nag text.

+6396969696969
Good morning. Sana okay ka na.

Napakunot ang noo ko nang mabasa ang text mula sa unknown number.

To +63969696969
Sino to?

+6396969696969
Oh, yea. I forgot to introduce myself. It's Noah.

To +63969696969
Oh. Hey, Noah. Medyo okay naman na ko. Thank's for saving me last time.

Saka ko naalala yung nangyari 2 days ago. Muntik na kong mapag samantalahan nung gabing yon. Buti nalang dumating si Noah kung hindi, ewan ko nalang. Nung time na yon, nawala lahat ng pagkairita ko sakanya. I thought that day na hindi pala siya masamang tao. And the way he embraced me, parang yun na yung safest place nung mga time na yon. Pinasakay niya ako sa kotse niya't sinabing siya na ang mag hahatid sakin pauwi. Bago niya ko inuwi, dumaan muna kami sa ice cream parlor at nilibre niya ko ng ice cream, pampakalma daw muna. Nag kwentuhan lang kami at masasabi kong masaya din pala siyang kasama. I've discovered din na may side pala siyang parang ang sarap lang makasama ganon.

"Ihhhh ano ba tong naiisip ko." Sabi ko saka napahilamos nalang ng mukha saka humarap ulit sa cp ko.

+6396969696969
Anything for you Sammy : )

Hindi ko na nireplyan yung last message nya at baka saan pa ito mapunta. And I know, that guy has a thing on me. Gusto ko sana siyang iwasan pero hindi siya mawala wala sa landas ko.

"Pero sa ginawa niyang yun sakin, I don't think na magagawa kong iwasan siya. Saka, sabi niya naman na he just want us to be friends so I guess pag bibigyan ko nalang siya sa part na yon." I said to myself.

***

7pm na at nakahain na ang pagkain sa mesa for our dinner pero wala parin si kuya...

"Mom? Si kuya?" Tanong ko sakanya.

"Ah, si kuya? Mag oovertime daw siya ngayon, marami pa raw kasing aayusin sa kompanya." She explained. I suddenly felt sad pero inintindi ko nalang.

We had dinner nang wala si kuya, habang sina mama naman ay pinag uusapan ang business nila.

"How 'bout you, anak? What do you think of running your own business? Or tulungan mo si kuya sa kompanya namin?" Tanong ni dad.

"I want to be a teacher." I simply said. Hindi sila nakaimik at nakatitig lang sakin.

"Sorry, please don't be disappointed, yun po kasi ang gusto ko eh." Sabi ko.

"We're not, susuportahan ka namin." Nakangiting sabi ni Mom.

"Thanks po." I said.

***

Pakiramdam ko wala ako sa hulog ngayong araw, I feel sad and bored. 10pm na pero wala parin si kuya, sina mom and dad naman ay tulog na. Chineck ko ang phone ko at wala paring text si kuya ni isa. Nilapag ko nalamang ang phone ko sa gilid ng unan ko at ilang sandali lang ay narinig ko ang text tone ko, may pag-asang kinuha ko 'to sa gilid ko.

From +63969696969
Hey, still awake?

Oh.. It's just Noah..

To +63969696969
I can't sleep. Ang boring.

I, Who Fell For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon