1

515 27 7
                                    

Naalimpungatan si Dennise mula sa pagtulog nang may maramdaman siyang kamay na humahaplos sa binti niya. Nakalilis ang duster na pantulog niya. May matingding kabang bumubundol sa dibdib niya.




















Naglalabay na paitaas ang magaspang na kamay. Marahas ngunit nanginginig na pinalis niya ang kamay na iyo. Kahit madilim sa loob ng silid niya, alam niya kung kanino ang makasalanang kamay na iyon--- kay LA, ang kanyang kinakapatid.




















Ibinaba niya ang laylayan ng duster niya. Niyakap niya ang kanyang sarili at sumiksik sa sulok ng kanyang papag. Namamasa na ang mga mata niya, punung-puno ng takot ang kanyang dibdib.























"Huwag..." pasamo niya kahit alam niyang hindi siya pakikingan nito. Demonyo ito.




















Nang masanay ang mga mata niya sa dilim ay nakita niya itong nakangisi nakita ang gilagid. Iyon na yata ang tinatawag na ngiting demonyo.























"Wala sila. Lumuwas sa Maynila. Pagkakataon na natin."




















Tuluyan nang nalaglag ang kanyang mga luha. Kailan ba matatapos ang kanyang kalbaryo? Napahagulgol siya nang mahigpit siyang yakapin nito at sinibasib na hinalikan siya sa leeg. Marahas niya ito itinulak. Nang hindi siya makawala ay pinaghahampas niya ito.























Mariing hinablot ni LA ang buhok ni Dennise. Napasinghap siya nang malakas sa sakit. "Pagbigyan mo na lang kasi ako, Dennise. Gusto mo pang masaktan, eh. Wala ka namang panama sa lakas ko." Muling hinagkan nito ang kanyang leeg at sinapo ng kamay nito ang kanyang dibdib.




















"Demonyo ka talaga." sabi ni Dennise sa pagitan ng pagluha. Umungol lang naman si LA.

















Diring-diri siya dito. Biglang bumangon ang matinding galit at pagkasuklam sa dibdib niya. Mas nanaisin pa niyang mamatay kesa makuha siya nito. Kailangan niyang makaalis sa impiyernong bahay na iyon. Kung kailangan niya kitilin ang buhay niya makatakas lang siya sa demonyong ito, gagawin niya.























Kinagat niya nang ito ng mariin sa balikat. Napahiyaw naman si LA sa sakit. Marahas niyang itinulak ito palayo. Dahil nasaktan si LA madaling nakalayo si Dennise dito. Dali-dali siyang bumaba ng papag. Kinuha niya ang dos por dos sa gilid ng higaan at ipinaghahampas iyo dito. Nang sa tingin niya ay nasaktan na ito nang husto nagmamadali siyang lumabas ng kanyang silid. Tuluy-tuloy siya sa labas ng bahay.


























Tumakbo lang siya nang tumakbo. Hindi na siya lumingon. Malayo sila sa mga kapitbahay kaya wala siyang mahingan ng tulong. Nakarating siya sa bakod na naghihiwalay ng lupain nila sa malaking lupain ng mga Valdez. Walang pag-aalinlangan na inakyat niya iyon. baka sakaling may sumaklolo sa kanya sa kabilang lupain.




















May maliit na lupain ang kanyang ina na namana nito sa mga magulang nito. Tinatamnan nito ng mga gulay iyon at ibinebenta nito sa palengke ang mga produkto. Hindi niya alam na lumuwas ang kanyang ina at ang kanyang amain nang gabing iyon. Hindi ito nagsabi sa kanya.




















May umusbong na galit sa dibdib niya para sa kanyang ina. Paano nito maatim na iwan siyang mag-isa kasama ang demonyo niyang kinakapatid?

















Hindi pa man siya nakakalayo mula sa bakod ay napahiyaw siya sa sakit nang may humigit sa kanyang buhok at hinila siya pabalik.

















"Akala mo, makakatakas ka sa akin ha?" sabi ni LA na tila nauulol na. Dinilaan pa nito ang pisngi niya.

















Muling bumukal ang mga luha niya. Bakit hindi siya hayaan ng Diyos na mamatay na lang? Bakit hindi siya nito hayaang makatakas? Hindi na niya kaya.




















Isinandal siya nito sa isang puno ng mangga at muling inumpisahan ang panghahalay sa kanya. Nagpalipas muna siya ng ilang sandali bago ubod ng lakas na itinaas niya ang kanyang tuhod at pinuntirya ang pinakamaselang bahagi ng katawan nito.

















Napamura ito ng malakas at halos mamilipit sa sobrang sakit. Sinamantala niya ang pagkakataon upang makatakas ulit. Pinaspasan niya ang takbo. Kahit maubusan siya ng hininga ay hindi siya tumigil sa pagtakbo.




















Naririnig niya mula sa di kalayuaan ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Malapit lang siya sa dagat. Lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Kung kailangan niyang magpakalunod upang makaalpas lang mula sa impiyernong buhay niya ay gagawin niya.

















Ngunit kung kailan na malapit na siya sa tabing-dagat ay saka naman niya naramdaman ang pamilyar na nakakadiring brasong iyon sa baywang niya.




















Humiyaw siya.












































Hello guys! So kamusta naman? Sorry matagal akong MIA. Super busy lang sa school, OJT at ngayon naman sa thesis. 😭 At dahil nagbabalik na ako Welcome sa MY ANGEL! Sana magustuhan niyo din ito gaya ng pagtangkilik niyo sa My Heart's Romance. At dahil miss ko kayo show me some love.. 20 comments and 20 likes gonna update the second chapter. Bonus yung 1st 5 to like and comment dedicated sa kanila yung chapter 2.

you know the drill guys.

you can follow me:

IG: alwaysonthewynne

TWITTER: onthewynne

I had viber and whatsapp:+63915-5468531 kwentuhan tayo.


lovelots,

Wynne 😊

My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon