13

227 18 10
                                    

"Hey Dennise!" 










Nilingon ni Dennise ang tumawag sa kanya. Nasa school siya at patungo sa library upang mag-research. Si Myco ang nalingunan niya. Humahangos itong lumapit sa kanya at ngumiti.










Gumanti siya ng isang palakaibigang ngiti. Kaklase niya at kaibigan niya ito. Hindi masabing talagang malapit sila ngunit hindi siya nangilag dito. Mabait kasi ito, nakapagwapo pa. Matangkad ito at katamtaman ang laki ng katawan. Palagi itong may suot na salamin sa mga mata. Ito nga ang pinakamatalino sa kanilang klase. Minsan ay pormal ito kung pumorma. kaya natutukso ito minsan na "nerd".










"Hey." bati niya rito.











"You need anything?" tanong ni Dennise.











Huminga ito nang malalim.












"I was just wondering if you wanna go out this Friday night? Hangout in some cozy restaurant. Just you and.... me." May bahid ng pag-aalinlangan sa tinig nito.

My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon