12

255 18 9
                                    

Nakahanap si Alyssa ng trabaho sa isang musical school na malapit lang sa apartment nila. Nagtuturo siya sa mga munting bata kung paano tumugtog ng violin. Si Dennise naman ay nakapasa na sa isang simpleng university. Habang hindi pa pasukan ay tumutulong si sa bakeshop ni Chel. Malapit iyon sa Filipino community kaya marami siyang nakakahalubilong mga Pinoy. Dahil doon, hindi na siya gaanong ilag sa mga tao. Unti-unti na niyang natutunan kung paano ulit magtiwala sa kapwa. Unti-unti na din niyang nagagawa na ibangon ang kanyang sarili. Sa gabi ay nakakatulog na siya ng mahimbing kahit hindi na tumutugtog si Alyssa ng piano.























"Nakakulong na ulit si LA." anito pagkaraan ng mahabang sandali ng katahimikan.




















Natigilan siya.


























"Talaga?"























Tumango naman si Alyssa.























"Magaling siyang magtago at medyo mailap, pero natunton din siya ng mga pulis. Hindi tumigil ang mga inupahan kong tao upang mahanap siya at maibalik sa kulungan."


























"Salamat." Nakaramdam siya ng matinding relief dahil sa sinabi nito. Hindi na makapamiminsala sa labas ang hayop na kinakapatid niya.




















"Walang anuman."





























Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito habang pinagmamasdan nito ang dagat. Napaka magandang gwapo talaga nito. Para sa kanya ay wala nang hihigit pa dito. Wala na siguro siyang hahangaan tulad ng paghanga niya dito. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. Iyon ang klase ng na hindi basta-basta ibinibigay sa iba. May kalamigan kasi ito sa ibang tao. Sa hindi malamanng kadahilanan, bumilis nang husto ang tibok ng puso niya dahil sa ngiting iyon.





























"Kinakabahan ako, Ly." sabi ni Dennise isang umaga. Unang araw niya sa eskuwelahan. Kakapasok lang niya sa kusina. Kahit siguro hindi niya sabihin dito na kinakabahan siya ay mahahalata pa rin iyon sa anyo niya.























Hinubad nito ang suot na apron at pinaupo siya sa harap ng hapag.


























"You'll do fine." anito habang nilalagyan nito ng sinangag ang plato niya. Napansin niyanh nag-e-exert ito ng effort sa paghahanda ng karaniwang almusal ng mga Pinoy.























"Paano kung maipahiya ko ang sarili ko sa school?" nag-aalalang tanong niya.


























"Den, think positive, okay? You'll do great. Magtiwala ka sa sarili mo. Kaya mo yan."


























"Talaga?" nag-aalalang tanong niya bago sumubo.























"Talagang-talaga. Sige kain nang kain. Ihahatid muna kita bago ako pumasok sa trabaho. Iginawa na din kita ng sandwich na baon mo. Kakainin mo yan ha?"


























My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon