5

243 20 5
                                    

Hindi makatulong nang gabing iyon si Dennise. Naiiyak pa rin siya. Ayaw tanggapin ng isip niya na wala na siyang ina. Nasa tamang edad na siya pero hindi pa rin niya lubos maisip na mangyayari ang lahat ng iyon sa kanya. She's already 24.


























Napakarami niyang pangarap noon. Napakarami niyang gustong gawin sa buhay. Ngayong nakakulong na si LA, ano ng mangyayari sa kanya? Paano niya sisimulan ang kanyang pagbangon?


























Ang sabi ni Tita Lita ay tutulungan siya nitong makabangon. Ngunit nahihiya siyang iasa na lang dito ang lahat. Dapat ay magpursige rin siya.


























Inilibot niya ang paningin sa loob ng silid na inookupa niya. Napakaganda ng buong silid, tila pang-prinsesa. Four-poster ang kamang kinauupuan niya. Light pink ang kulay ng wallpaper kwarto. Kompleto ang gamit sa loob. Maraming mga stuffed toys na nakadisplay sa estante. May makapal na carpet sa sahig.


























Ayon kay Tita Lita, iyon ang dating silid ni Alyssa nung bata pa. Ngunit nung inamin ni Alyssa ang kanyang tunay na pagkatao sa kanila ay pinagawan nila ito ng bagong kwarto na special lang para sa nag-iisa nilang anak.


























Ngunit hindi na ulit nagkaanak sila Tita Lita dahil nagkaroon ng problema ang matris nito pagkatapos na ipanganak si Alyssa. Dahil frustated na magkaanak ulit ito ay patuloy ito sa paglalagay ng kung anu-anong pangbatang accessories sa silid. May umokupa na raw dati sa silid na iyon dati, si Bang.


























Nang tanungin niya kung nasaan na ngayon si Bang, ang sabi nito ay ikinasal na ang babae at naninirahan na sa bahay ng asawa nito. Kay Bang din ang ilang mga gamit niya. Nang nagdaang araw ay ibinili siya ni Tita Lita ng maraming damit, sa labis na hiya niya.


























Napabuntong-hininga siya nang malakas. Pakiramdam niya ay hindi siya bagay sa silid na iyon. Masyadong magara iyon. Bukas ay kakausapin niya si Tita Lita at sasabihin niyang maninilbihan siya sa malaking villa at lilipat na siya sa silid ng mga katulong.


























Bumaba siya ng kama at lumabas ng kanyang silid. Kukuha siya ng gatas sa kusina upang makatulog na siya. Nitong mga nakaraang araw ay wala na siyang ginawa kundi magpahinga. Napakasarap matulog ng mahimbing.


























Nasa kalaghatiaan na siya ng hagdan pababa nang makarinig siya ng malamyos na musika. Binilisan niya ang pagbaba. Sinundan niya ang pinanggagalingan ng magandang musika. Nakarating siya sa music room. Nakaawang nang konti ang pinto kaya kitang-kita niya na tumutugtog ng piano si Alyssa.


























Pinagmasdan niya ito. Parang wala itong ka-effort-effort sa paglikha ng magandang musika.


























Nais niya itong lapitan ngunit nahihiya siya. Hindi na siya natatakot dito. Kahit kay Tito Ruel ay hindi na siya nangingilag. Kinumbinsi niya ang kanyang sarili na walang dahilan upang matakot o mailag siya sa mag-ama. Nararamdaman niyang hindi siya gagawan ng masama ng mga ito. Hindi katulad ni LA.


























My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon