7

241 16 5
                                    

Namutla si Dennise sa ibinalita ni Alyssa nang umagang iyon. Nanginig ang buong katawan niya, at nagsimulang mangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Unti-unting napupuno ng takot ang buong pagkatao niya. Takot na gabi-gabi niyang ipinagdarasal na sana ay hindi na niya muling madama kailanman.























Nakatakas daw sa kulungan si LA! Ipinapaliwanag ni Alyssa kung paano ito nakatakas ngunit ayaw iproseso iyon ng isip niya. Ang tanging tumatatak sa kanya ay nakatakas ang hayop na iyon. Muli itong malaya upang maghasik ng lagim.


























Niyakap siya ni Tita Lita. Gumanti din siya rito ng mahigpit na mahigpit na yakap. Nanginginig pa rin ang buong katawan niya. Tuluyan na ring nalaglag ang kanyang mga luha.





























"Sshhh... Hindi ka namin pababayaan, Dennise. Don't worry." pag-aalo ni Tita Lita.























Hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Takot na takot siya. Paano kung balikan siya ni LA.























"Tama ang nanay, Den." tugon ni Alyssa.























"Walang dapat ipag-alala. Secured ang buong farm. Hindi siya basta-basta makakapasok dito. Hindi ka niya masasaktan. Ni hindi ka niya mahahawakan. Hindi kita pababayaan." ani Alyssa.























Kumalma siya nang kaunti. Malaki ang tiwala niya kay Alyssa. Hindi raw siya nito pababayaan. Ngunit nakalaya pa rin si LA. Hindi siya ganap na matatahimik hangga't hindi naibabalik sa kulungan ang kanyang kinakapatid.























"Mag-uutos ako sa mga tauhan natin na higpitan ang buong seguridad sa paligid. " wika ni Alyssa.


























"Gagawin ko ang lahat upang mahanap ulit si LA at maibalik sa kulungan. Pangako."




















"Tahan na, anak. Hindi namin hahayaang mapahamak ka." Pinunasan ni Tita Lita ang mga luha niya.

















"Salamat po." sambit niya.

















Nang gabing iyon, sa music room ni Alyssa siya nakatulog habang tumutugtog ito.




















Tila napako ni Dennise sa kanyang kinatatayuan nang makita ang isang pamilyar na bulto mula sa kabilang kalye. Nanlaki ang kanyang mga mata. Kahit hindi siya nakaharap sa salamin, alam niyang punong-puno ng takot ang mga iyon. Halos mabiyak ang dibdib niya sa sobrang kaba. Nais niyang kumaripas ng takbo ngunit hindi niya magawang igalaw ang kanyang mga binti.


























Sigurado siyang si LA ang lalaking nasa kabilang kalye at nakatingin sa kanya. May suot itong baseball cap at salamin. Gayunman, sigurado siyang si LA ito. Lalo niyang nakumpirma iyon nang ngumiti nito nang malademonyo na kita ang gilagid.


























My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon