8

230 24 10
                                    

"Anak, alalang-alala na ako kay Dennise."










"Baka naman po gusto lang niyang mapag-isa Nay." sagot ni Alyssa sa sinabi ng kanyang ina.









Sinalubong siya nito kaagad kanina pag-uwi niya galing ng manggahan. Ang sabi nito ay ayaw daw lumabas ng silid nito si Dennise. Hindi na daw ito kumain kaninang tanghalian. Kahit anong gawing katok daw ng kanyang ina ay ayaw nitong magbukas ng pinto.









"Baka kung ano na ang nangyari sa kanya sa loob." ani ng kanyang ina sa tinig na punong-puno ng pag-aalala.








"Nay, Den is not suicidal anymore. She'll be fine. Wag kayong mag-alala. Hayaan muna natin siya at baka gusto lang talaga niyang mapag-isa."








Walang nagawa ang kanyang ina kundi ang tumango. Nang naghapunan na at hindi pa din lumalabas ng silid nito si Dennise ay nag-alala na din siya. Kinatok na niya ito.









"Den, open it up. Ako ito si Ly. Kain na tayo." sabi ni Alyssa habang kumakatok sa pinto.









Walang kahit anong sagot. Idinikit niya ang kanyang tenga sa pinto. Walang kahit anong ingay siyang narinig. Nang hindi talaga ito nagbukas ng pinto ay nagtungo siya sa dulo ng pasilyo. Huminto siya sa tapat ng isang painting. May secret drawer doon na pinaglalagyan ng mga duplicate keys. Babalik na sana siya sa kwarto ni Dennise nang mahagip ng mga mata niya ang kanyang harmonica sa lamesita.

My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon