×Chapter 13×

1.3K 27 0
                                    

1 week later...

One week na ang nakalipas at ibig sabihin nun eh last shoot nanamin ito. Masaya at the same time malungkot. Maraming 'what ifs' and nabubuo sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit gusto ko pang maulit na maka trabaho si Russel kahit pa sa bawat araw eh hindi ako pwedeng hindi iiyak. Haist. Nakakapagod din pala, pero wala naman akong magawa..mahal ko eh.

"So this is it guys! Thank you talaga ng sobra! Lalo na kari Russel at Jcynd dahil tinanggap nila ang offer ko. Thank you very much, and of course sa mga ibang staffs maraming salamat. Lets have some party!"sabi ni Direct habang nag aayos na kami ng gamit namin.

"Game ako jan!" Sabi pa ni Jonas.

"Naku! Paano naman si Mommy A?"nag paparinig na sabi ni Chelsea. Napairap nalang ng pabiro si Mommy A.

"Oo na sasama na ako,ano bang oras ang disko?"natawa kami dahil sa makaluma nyang term. Gosh disko?

"Mommy A naman wala ng disko sa panahon ngayon iba na ang tawag dun"natatawa pang turan ni Russel.

"Naku! Ganon na rin yun!"napakamot pa sa batok na sabi ni Mommy A. Napailing iling nalang ako habang nag ligpit nalang ulet.

"Sama ka Cynd-Cynd?" Tanong ni Ethan. Umiling naman ako.

"Pass muna ako--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi inunanahan nya na ako-.-

"Wala ang KJ mo Cynd-Cynd!"napairap nalang ako. Hindi ko alam kung bata ba tong si Ethan or ano-.-

"Aish! Pass muna ako Ethan, mag papahinga muna ako. Kita mo tong eye bags ko? Ang laki na oh!" Nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at nag pout. Tumawa lang siya pero mayat maya eh nag seryoso din..bipolar-.-

"Dahil ba to kay Russel?"nanlaki naman ang mata ko. Ano!? Hindi ah! Asa sya!

"Di ah!" Nag iwas ako ng tingin at nag patuloy nalang sa ginagawa.

"Usyu, osige nga kung hindi ka affected sama ka samin" nag pacute pa siya kaya natawa nanaman ako.

"Tae mo! Style mo!" Binato ko sya ng towel ko. Sinapo naman nya yun at tumawa nanaman.

"Dali na kasiii" pamimilit pa nya. Napairap nalang ako at bumigay din.

"Oo na! Basta ba sunduin mo nalang ako? Ayoko ng mag drive! Hindi ko naman maasahan si Cyrus na ipang drive ako alam mo naman yung unggoy na yun"tumawa kami pareho at tumango tango pa sya.

"Oo na sige sige. Tara hatid na din kita" pumayag na ako na mag pahatid sa kanya dahil hindi ko din naman dala ang kotse ko.
---
"Una na din ako, bye bye sunduin nalang kita mamaya" tumango ako at lumabas na ng sasakyan.

"Thank you!" Pahabol ko pa. Bumusina lang siya kaya pumasok na ako sa bahay.

"Cyrus patulong dali!" Tiningnan nya lang ako tapos nag patuloy sa pag lalaro ng Ps4. Sinamangutan ko siya tyaka nakisama din.

"Dali naman na uy unggoy!" Tinapik tapik ko yung braso nya pero tinignan nya lang ako ng masama kaya mas lalo ko pa syang pinag papalo.

"Ano ba Cynd? Oo na sandali lang! Arr mamaya na pag nataya ako! Wala na! Taya na!" Sabi nya at padabog na kinuha yung mga bag na dala ko papuntang kwarto ko.

"Salamat unggoy! Alabyu!" Ang tagal na din nya dito! Wala atang balak pumuntang condo nya-.-
----
7:00 pm

"Wohoooo! Ang saya talaga dito sa barrrr!"ani ni Jonas, sabay lagok pa ng iniinom nya.

"Hindi ka iinom?" Tanong sakin ni Yanna, napailing naman ako. Ayokong uminom baka ano nanamang kagagahan ang magawa ko><

"Hindi ayokong uminom"pag kasabi ko non eh tumawa sya. Bakit?

"Bakit? Natatakot ka ba na baka mangyari nanaman ang ikinatatakot mo?" Napairap ako sa kanya na syang tinawanan nya lang.

"Hindi nuh! Masama bang hindi uminom? Edi mag j'juice nalang ako!" Agad ko namang ininom ang juice na pina order ko kanina.

"Ayts! Ano ka bata?"bumusangot lang ako. Eh sa ayaw ko ngang uminom eh. Oo na ako na ang KJ masisi mo ba ako? Baka ano pang masabi ko nanaman or magawa ko! Nadala na ako nuh!

"Labas lang ako Yanna" sabi ko, hindi ko alam kung narinig ba nya or ano. Lumabas nalang ako ng bar para mag pahangin. Nakakarindi sa loob eh isa pa ang daming lasing!

Pag kalabas ko nag muni muni lang ako. Hanggang sa may narinig ako sa isang gilid na nag uusap.

"Okay...I know, tanggap ko...just let me kiss you" Hindi ko alam kung bakit na curious ako. Ayoko man marinig pero may nag uudyok sakin na pakinggan sila. Thank god kasi kaming tatlo lang ang nakakarinig.

"What? Narinig mo ba ang sinabi k--" nag taasan lahat ng balahibo ko ng marinig ko ang boses nya....boses ni Russel...

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa pangyayari...si Annie hinalikan nya si Russel. I know its normal! Because they are couples! But shit! Umaasa ako na sana eh hihiwalay sya! Pero shet!

"I'm sorry Annie"hindi ko na kinaya pa at tumakbo na ako paalis wala akong pakielam kung nakita man nila ako!

"Jcynd!" Sigaw pa ni Russel pero nag patuloy ako. Ayoko ng makita pa sya. Napaka tanga ko lang talaga kasi pilit ko pa ding pinipilit yung sarili ko sa kanya.

"Let go sh1t!"nag pumiglas ako pero hinila nya ako paharap sa kanya tyaka nya hinawakan ang dalawa kong pisngi para punasan ang mga luha ko. Ayan nanaman sya! Nag papakita ng malisya!

"Mali yung iniisip mo--"natawa ako ng mapait sa sinabi nya.

"Ano ba? Wala akong pakielam! Mag halikan kayo't lahat lahat I don't care!" Nag pupumiglas ako kaya niyakap nya ako na syang nag patigil sakin.

"Let me explain first okay? Ayan ka nanaman hindi mo nanaman ako papayagang mag explain" napasinghap ako.

"Wala akong pakielam sa explanation mo!" Mas lalo akong napasinhap ng higpitan nya pa ang pag kakayakap nya.

"Mahal kita...ikaw pa din pala.."natigilan ako sa sinabi nya. Ano? Mahal nya ako? Oo aaminin ko na mahal ko sya...aaminin ko na sobra akong masaya...pero shit...mahal ko sya pero hindi ko kayang may nasasaktan dahil lang sa mahal namin ang isa't isa. Matagal ko na tong gusto...pero...hindi ko iniexpect ang ganito...sorry Russel because I can't...

"Hindi kita mahal" napaka tanga ko kasi sa pangalawang pag kakataon hindi ko nanaman sya maipag lalaban...

"A-ano? Heck Jcynd! I know your lying! Please...hayaan mo sila...sana isipin mo din ako...hayaan mo yung mga masasaktan natin..."hindi ko na napigilan pang maiyak. Niyakap ko sya ng mahigpit..

"Mahal kita...alam mo yun...pero...hindi ko kayang mag mahal na may nasasaktan...I'm sorry Russel....I'm sorry because I have to loose you for the second time.."bimitaw na ako at nag simulang mag lakad...

Dear Tadhana,
Minsan kahit gusto mo kailangan mong isipin kung may masasaktan ba. Kung ano nga ba ang tama. Pero ngayon,ang tama ay ang gagawin ko kahit pa masakit sakin...
-Jcynd

---

TNL BOOK2:My Ex Is My Love Team [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon