×Chapter 25×

936 18 7
                                    

Anikka's POV

NAKAKAINIS gustong gusto ko ng makuha si Zynder sa madaling panahon. I want to do what I planned pero shit lang talaga dahil tumawag si mommy at pinapabalik na ako sa bahay. As if naman mag papauto ako sakaniya. Hell no, hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nababawi si Zynder. napasigaw nalang ako sa inis. I need to do something. Kailangan ko ng kumilos sa mas lalong madaling panahon. But I know I can't do it as soon as possible. Nakakairita lang dahil marami ang mga bagay na kailangan kong klaruhin. At isa na roon kung naaalala paba ako ni Zynder.

Inis kong itinapon ang throw pillow na nasa lap ko at tumayo para mag pahinga nalang muna. Wala akong ganang kumausap ng sino man ngayon.

Ipinikit kona ang aking mata at hindi naman ako nahirapan sa pag tulog.

"Really? Why can't you just fucked up and go! Leave us!" Napamulat ako sa sigawan na iyon. Nagulat ako dahil nasa bahay ako sa dati naming bahay kasama sila daddy. Narinig ko ang mga sigawan nila sa baba. Lumabas ako sa kuwarto at nakita ko ang isang babae at lalaki na tila mag hihiwalay na sa sobrang galit sa isa't isa.

Malabo ang kanilang mga itsura pero nararamdaman kong si Daddy at si Mommy iyon.

"Iwan mo na kami ng anak mo! Wala kang ginawa kung hindi mag sugal! Pagod na ako! Pagod na ako sa pagiging selfish mo! Aalis kami ni Anikka at balikan mo iyong nabuntis mo!" Sigaw ni Mommy at bigla nalamang hinila ang katabi ko na mga 6 years old na bata. Napahawak ako sa bibig ko nang marealized na ako pala iyon.

Umiiyak ang bata habang buhat buhat siya ni Mommy habang si Daddy naman ay umiiyak na ngayon at nag susumamo kay Mommy na wag namin siyang iiwan. Gusto kong lapitan si Daddy pero hindi ko siya mahawakan at para bang hindi niya ako nakikita.

Bigla nalamang akong napahawak sa aking ulo nang sumakit iyon at nang imulat ko ang mata ko ay nasa ibang lugar na ako. Nasa bahay na ako sa California.

"Are you ready baby?" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko roon ang babaeng blurred nanaman ang mukha pero sigurado akong si Mommy iyon.

"Yes, Mommy" malambing na sabi nang batang 8 years old na naka ponytail at naka back pack. Nagulat ako nang ako pala iyon. Sa lahat nang imaheng nakikita ko ako lamang ang hindi blurry ang mukha.

TNL BOOK2:My Ex Is My Love Team [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon