×Chapter 14×

1.3K 32 0
                                    

Annie's POV

"Sigurado ka ba na susundan natin sila? Sabi naman syo ni Russel na pupunta sya sa bahay nyo right? So bakit kailangan pa na ting sundan?" Sabi ni Cynhai--bestfriend ko. Inis ko syang tinignan.

"Oh gosh! Can you please shut up? I have a plan! Can't you see? Russel is so cold towards me! At ayoko non!" Napatahimik nalang sya. Well, Russel and his co-worker are having some fun. Kaya naisipan kong sundan sya. May tiwala naman ako sakanya,pero sa babae na yon wala!

"Stop the car Annie baba ako" napatingin ako kay Cynhai ano!? Bababa sya!?

"Anong kadramahan nanaman to Cynhai? Diba sinabi ko naman na syo yung plano!"nakakainis! Ano nanaman ba to Cynhai!?

"Oo sinabi mo! Pero shit! Ayoko ng ganito! I'm sorry Annie pero hindi ko kayang ma involved sa issue nyo so please stop the freaking car."mahinahon nyang sabi. Hindi ako nag patinag at binilisan ko pa lalo.

"No! Hindi ka bababa! Stop the drama Cynhai! I'm sorry okay? Gosh"mahinahon ko ng sabi. Cynhai is very sensitive, ayaw nyang sinisigawan sya.

"Basta promise me na wala akong ibang gagawin kung hindi samahan ka okay? At hindi ako ma iinvolved sa kung ano man yang babalakin mo sa dalawa"palihim akong napairap.

"I promise"tipid kong sabi bago itigil ang sasakyan.

Nag hintay kami ng mga 30 minutes sa labas ng Bar.

"Tatawagan ko na" sabi ko na syang ni labas ni Cynhai yung cellphone ko. After 3 rings sinagot din nya.

Phone call..

"Hi baby, where are you? What time ka uuwi?"

[I'm sorry Annie, mamaya pa ako makakauwi nag kakatuwaan kasi dito]

"Pwede ba kitang puntahan jan?"

[No! I mean, pupuntahan naman kita after this]

"But--"

[No buts, I'll hanging up]

"Wait! Cynhai wants to have some fun, pupunta lang kaming bar okay?"

[Okay]

"Bye I love you!"

[Bye]

End of phone call..

See? He's being cold again, dati naman pag sinasabi ko yon hindi sya papayag at sesermonan nya pa ako. Pero ngayon? Okay lang ang sagot nya. Tapos pag mag I'I love you ako hindi na sya nag I'i love you too. At dahil yon sa babaeng yun!

"Anong sabi?"tanong ni Cynhai.

"Okay daw, lets go pumunta tayo sa loob at hanapin sya" nag ayos na kami ng mga gamit at lumabas ng kotse ko.

"Gosh ang usok at ang ingay! Ang dami pang lasing!"iritang sabi ni Cynhai na syang nag pairap sakin.

"Syempre bar ito Cynhai at hindi library gosh"first time lang kasing naka punta ni Cynhai dito. We're totally opposite, hindi ko sya kagaya na pa bar bar lang lagi. Ang gusto kasi nya ay yung mga nahimik na lugar. Hindi sya Nerd! Pero parang ganon na rin -_-

"Si Russel na ba yun?" Tanong ni Cynhai sabay turo dun sa dance floor. Agad naming nilapitan yung pwesto nya at nag kunwaring nabunggo ko sya.

"Oh gosh I'm sorry--baby?!" Kunwaring gulat na sabi ko. Gulat din naman syang napatingin sakin.

"What are you doing here!?"tanong nya.

"Nag yaya si Cynhai diba?"inosente 'kuno' kong sabi. Napailing iling sya sa inis at hinila ako palabas ng bar at sinensyasan si Cynhai na wag na syang sumunod.

"Ano ba? Let go Russel nasasaktan ako. Loosen your grip!" Binitawan nya naman ako at hinarap sa kanya.

"Bakit ka andito? I mean, bakit dito pa sa bar na alam mong pinuntahan namin?" Napairap ako sa inis.

"Ano naman? May tinatago ka ba!? Siguro nga tama ako ano!? Na nag kabalikan na kayo nung whore na yon!"singhal ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla nyang sinuntok ang katabi kong pader.

"Pwede ba!? Ano nanaman to Annie!?wala ka bang tiwala sakin!?" Tinulak ko sya.

"Meron! Pero sa babaeng yun wala! Simula nung umeksena nanaman yang pabidang yan nag kaganyan kana! Feeling ko hindi na tayo! Feeling ko hindi mo na ako mahal!"sigaw ko pa sa kanya.

"Oo! Ako din naman naguguluham na sa feelings ko! Aaminin ko! Mahal ko pa sya! Hindi ko sinabi syo kasi alam kong masasaktan ka! Mamaya ko palang sana sasabihin syo! Pero ngayon alam mo na! So please! Hayaan mo na kami!"iniexpect ko na to na mangyayari pero shet! Masakit din pala! Mahal ko sya eh! Ginawa ko lahat para sakanya! Para balikan nya ako at tuluyan nya ng makalimutan si Jcynd!

Pinunasan ko ang mga luha ko at nakita ko sa likod ni Russel ang palalabas na si Jcynd. Good timing. Hindi ko hahayaan na maging masaya sya.

"Okay...I know, tanggap ko...just let me kiss you"napaawang naman ang bibig ni Russel sa gulat. Hindi nya siguro iniexpect na sasabihin ko yun. Well, sorry Jcynd Russel is mine...only MINE.

"What? Narinig mo ba ang sinabi k--" sabi ni Russel pero hindi ko na sya pinatapos dahil hinalikan ko na sya. Pilit nya ako tinutulak pero hindi ko pinahalata na gusto nya akong itulak. Kita ko sa expression ni Jcynd ang pag kagulat at gusto nya ng umiyak kaya napangisi ako.

"I'm sorry Annie"sabi ni Russel ng humiwalay na ako at umiyak. Napaharap sa likuran si Russel ng narinig nya ang yapak at hikbi ni Jcynd.

"Jcynd!" Sigaw pa ni Russel pero nag patuloy lang si Jcynd sa pag takbo. Tinignan ako ng masama ni Russel at hinabol si Jcynd.

"ANNIE!" nilapitan ako ni Cynhai at niyakap ganon din ang ginawa ko.

"Are you okay?" Tanong nya. Tinanguan ko lang sya. Sabi ko naman syo Jcynd, ang akin ay AKIN. Mag kapatayan man hinding hindi ko hahayaan na sumaya ka...it was just the begining Jcynd..
----
Russel's POV

Seryoso ako sa mga sinabi ko kagabi. Mahal ko parin si Jcynd. Hindi ko alam kung kailan nag simula ulet. Basta nung makita ko ulet sya bumilis nanaman ang tibok ng puso ko na sya lang ang nakakagawa sakin nun.

Agad akong nag ayos para puntahan si Jcynd. Alam kong mahal nya ako at hindi ko na ulet hahayaan na mag kahiwalay pa kami.
----
Nag doorbell agad ako sa bahay nila at lumabas doon si yaya Handy--yaya nila Jcynd.

"Russel!? Anong ginagawa mo dito?" Gulat nyang sabi.

"Si Jcynd po?" Magalang kong sabi. Natigilan naman sya..may problema ba?

"Hindi mo ba alam? Lumipad ng ibang bansa si Jcynd kanina lang madaling araw." Sabi ni yaya Handy.

"Ano!? Lumipat po sya!? Saan po?" Tanong ko rito.

"Sa Seoul sya hijo dahil dun ata ang next project nya hindi ko alam eh wala naman syang nasabi kung bakit" napamura nalang ako sa isip ko. Umalis nanaman sya? Iiwan nya nanaman ako? Next project?agad!?

"Sige po salamat yaya handy!" Aalis na sana ako ng may magsalita.

"Teka Russel" napatingin ako rito at si mama pala ni Jcynd. Lumabas sya ng gate at pinuntahan ako kaya nag mano ako.

"Hindi mo ba alam?" Tanong nya. Napailing naman ako.

"Alam mo ba? Kahapon bago ang flight nya naabutan ko syang umiiyak hindi ko alam kung bakit. Nilapitan ko sya at sinasabi nya sakin na sobrang sakit na daw. Gusto nya na daw umalis dito sa pilipinas at pumunta nalang sa lola nya. At alam kong dahil yun syo...nararamdaman ko na mahal ka pa din nya. Hindi naman nya itatago yung mga pictures nyong dalawa kung hindi ka na nya mahal...nararamdaman ko din yun Russel...mahal mo ba ang anak ko?" Tanong ni tita. Napatigil naman ako at tiningnan sya sa mata habang walang alanganing tumango.

"Opo mahal ko pa din po sya at hindi ako po hahayaan na mag kahiwalay pa po kami ulet"sabi ko. Kahit saan ka man pumunta susundan pa din kita Jcynd...

Dear Tadhana,
Minsan, kailangan mo din palang gawin yung mga bagay na mag papasaya syo kahit pa may masaktan kang iba. Sa pag ibig meron at meron kang masasaktan pero sana kaya mo ding gawin yung mga bagay na para syo..

-Russel

----

TNL BOOK2:My Ex Is My Love Team [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon