Tula 5: Banyuhay

39 0 0
                                    

Banyuhay

Tinitigan ko ang mga mata ko sa salamin
Sa aking pagtitig, napansin ko ang iba't ibang parte ng aking mukha
Napansin ko ang mga mahahabang pilikmata ko
Napansin ko ang mabilis na paghaba ng buhok ko
Napansin ko ang bilugang hulma ng mukha ko

Muli, tinitigan ko ang aking mga mata
Sa aking pagtitig, nakita ko ang sarili ko
Nakita ko ang sarili kong nagbago
Nakita ko ang sarili ko at ang pamilya kong nagsasalo-salo
Nakita ko ang sarili ko at ang mga kaibigan kong tanggap aking pagkatao

Muli, tinitigan ko ang aking mga mata
Sa aking pagtitig, nalunod ako sa kaitiman nito
Nalunod ako sa katahimikan ng pagiging makasarili ko
Nalunod ako sa paghingi sa magulang ko ng luho
Nalunod ako sa pag-aakalang lahat ng kaibigan, totoo

Maraming nagbago
Minsang nabigo, minsang nanalo
Sa aking pagtitig, aking napagtanto

Na hindi pala
Na hindi pala nagbabago ang mga mata ng tao
Maiba man ang ugali, anyo, pakikitungo
Ngunit ang mga mata natin, mananatili

Ito ang bagong anyo ng buhay. BANYUHAY.

#

DaluyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon