Walang Pangalan
Ikaw 'yong tipo ng tula na hindi ko masimulan
'Yong tipo ng tula na hindi ko alam kung tungkol saan
Pilit na pinag-iisipang mabuti ngunit hindi pa rin maintindihan
Pilit na hinihimay kung ano-anong mga salitang ilalaanIkaw 'yong tipo ng tula na ni halaga'y hindi ko mabigyan
'Yong tipo ng tula na akin nang napabayaan
Sa araw-araw na pag-alala ko'y hindi ko alam kung paano gagawan
Itong tipo ng tula na nais ko nang wakasanNais kitang paglaanan ng tula
Ngunit sa bawat oras na ako'y magsisimula
Hindi ko mawari bakit ako natutulala
Sa bawat segundo, bawat minuto, walang napapalaIba't ibang uri ng sakit ang iyong inukit
Dito sa pusong kumakapit
At nananatiling matatag kahit pilit
Kahit tila ba sa kulungan ay naiipitAng sakit na dulot ng iyong paglisan
Sakit na dulot ng ako'y iyong kalimutan
Itong sakit na nais ko nang maiwasan
Ay ang dahilan ng pagkawasak ng aking kinabukasanNais kitang gawan ng tula dahil diyan
Sa mga sakit na binigay mo, papel ko'y hangad na masulatan
Gamit ang mga salitang mag-iiwan sa iyo ng kakintalan
Ngunit huwag na lang, baka masira pa ang ating pagkakaibigan#

BINABASA MO ANG
Daluyong
PoetryKalipunan ng mg Tula Ang Daluyong ay koleksiyon ng mga tulang nahinuha mula sa artistikong balintataw ng may-akda.