Sana Mawari
Sana napansin n'yo
Kung paanong ang araw sa bintana'y pilit na dumudungaw
Kung paanong ang mga kislap ay pilit sa inyo'y humahagilap
Kung paanong ang paghihiwalay sa mga bundok ay 'di birong suntok
Sana napansin n'yo na iyan ay para makasama kayoSana napansin n'yo
Kung paanong ang ulan ay nagpalungkot sa tahanan
Kung paanong ang kidlat sa inyo'y nagpagulat
Kung paanong ang mga dahon ay malanta sa paglipas ng panahon
Sana napansin n'yo ang aking nararamdamanBakit hindi n'yo maisip?
Dahil ba sa kayo'y naiidlip?
Bakit hindi kayo managot?
Dahil ba sa kayo'y nababagot?
Bakit hindi n'yo mawari?Dahil ba sa hindi ito maaari?
#

BINABASA MO ANG
Daluyong
PoetryKalipunan ng mg Tula Ang Daluyong ay koleksiyon ng mga tulang nahinuha mula sa artistikong balintataw ng may-akda.