Tula 6: Sakbibi

36 0 0
                                    

Sakbibi
(Mabigat na karga)

Sasamahan kita papuntang sapa kahit 'di mo ako sinamahan papuntang lawa.

Yayakapin kita kapag lumuha ang langit dahil maliit lamang ang payong natin kahit di mo ako niyakap noong ako ang lumuha.

Dadamayan kita sa mabibigat mong lulan kahit 'di mo ako dinamayan sa mabibigat kong pasan.

Kakausapin kita pag ako'y iyong tinawagan kahit 'di mo ako kinausap noong ako'y nangailangan.

Aalalahanin kita sa bawat pagngiti ng buwan kahit 'di mo ako inalala noong aking kaarawan.

Pasasalamatan kita sa mga regalong hatid mo kahit 'di mo ako pinasalamatan sa mga kasiyahang hatid ko.

Gagamutin kita sa sugat mong nagdurugo kahit 'di mo ako ginamot sa pusong kong nadudurog.

Susuklian kita kahit di mo ako binayaran,
Lalapitan kahit na akoy iyong nilalayuan,
Pagkat ako'y mananatiling kaibigan kahit ikaw ay nang-iwan.

#

DaluyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon