Prologue

55 4 0
                                    

The Lord shall be good for leading people and reigning his nation. But the Lord is not he, it is she.



Habang naglalakad ako sa isang madilim na pasilyo ang lahat ay napapatigil at umiiwas bago yumuko kapag ako'y nakikita. Bakas ang takot at ang pangingilabot ng lahat ng taong nadadaanan ko kaya naman wala ni isang tumitig o kahit isang saglit na sulyap ang dumapo sa aking walang buhay na mata. Napangisi ako sa aking isipan dahil sa kanilang reaksyon. Hindi ko na pinansin ang mga taong nadadaanan ko hanggang sa makarating ako sa isang lugar na bahagi ng lumang kastilyong ito. Hindi pa ako nakakalapit ay agad namang binuksan ng mga gwardya ang napakalaking kakaibang itim na pintuan. Agad naman akong pumasok at naglakad ng diretso patungo sa mataas na bahagi ng sahig na may isang malaki at kakaibang disenyo na upuan. Agad naman akong naglakad at umupo mula sa aking maluwag na trono. Kulay itim ang kabuuhan na may kurba sa gilid ng patungan ng dalawang kamay na kulay abo pagkatapos ay sa bandang sandalan nito na ang pinakadulo ng gitnang bahagi ay nagkukurbang mataas na nakatusok na naghuhugis ng parang bundok. Sa bawat gilid ng parte ng dulo ng sandalan ay naghuhugis na ulo ng isang uwak na may mga matang kulay pula.

Napatingin ako sa dulo ng bahagi kung saan nagbukas ang malaking pintuan na pinasukan ko kanina. Naaninag ko ang isang bulto ng katawan ng isang lalake hanggang sa nasakatamtamang distansya ko na ito habang nakangising nakatingin mula sa itaas na bahagi na lugar kung saan ang aking pwesto. Lumuhod sya at tumungo upang magbigay galang.

"Aming kamahalan.." Pagbating saad nya bago muling umayos ng tayo.

"Speak." Malamig kong saad kasabay ng pagalingawngaw ng boses ko sa buong kwarto.

"Isang balita mula sa ating grupo ng tagapagmatyag na may sinasabing may pinagkakaabalahan po ang reyna ng kabilang panig." Saad ng lalake sa aking harapan.

Pinagkakaabalahan?

"And..?" Saad ko hudyat na ipagpatuloy ang kanyang pagsasalita.

"Sinasabing nagsisikap pong gumawa ang reyna ng isang malakas na panglaban sa inyo. Mukhang naghahanda na po sila para hindi matalo kapag susugod na po tayo." Sandali syang tumigil sa pagsasalita pagkatapos ay nagsalita ulit. "Nabalitaan din pong nakita na ang unang propesiya." Saad nya na nakapagparamdam ng kakaibang emosyon sa aking katawan.

Ang unang propesiya...
Isa na naman bang kakaibang surpresa ang ipapahiwatig nila saken? Oh well that would be exciting..

"What about the prophecy?"

"Hindi pa po namin alam kamahalan ngunit pinaghahandaan narin po namin." Sagot nya.

Good. I dont want to be clueless on matter.

"Is that all?"

"Yun lamang po sa ngayon kahalan." Saad nya.

"Leave." Tanging saad ko. Lumuhod muna sya at tumayo bago tuluyang umalis sa harap ko.

Napangisi ako sa aking naiisip. Ano naman kaya ang pakulo nya? Sa ngayon hindi muna kita iintindihin at magrerelax lang muna ako bago simulan ang isang napakaganda at napakasayang munting laro.

Magic chronicles : Evil of evilsWhere stories live. Discover now