MLM 16: I like him?

119 2 0
                                    

Nandito kami sa isang terrace, maganda ang view lalo na't kitang kita dito ang mga bituin sa langit. Simula nung nag-usap sila ni Matt kanina niyaya ako ni Rain na samahan siya dito.

"Amantha." he said.

"R-Rai~ Lord Rain." sabi ko sa kanya at nag iwas ako ng tingin. Ngayon parang mas natakot ako sa pwede niyang gawin sa akin dahil isa na siya sa apat na malalakas na pamilya.

Binigyan niya ako ng wine at tinanggap ko naman ito. Pinagmasdan ko siya habang nakatingin sa mga bituin. Ang tahimik ata ni Rain ngayon.

Tinignan ko ang hawak kong alak. Sh*t do I have to drink it? Wag nalang ata wala naman sigurong magagalit. Napalingon ako kay Rain at nakatingin pala siya sa akin at alam kong nababasa niya sa mukha ko na hindi ako sanay uminom.

Kahit na sa bar ako nagtatrabaho dati hindi talaga ako pala inom.

Parang isang que yun kaya nag-iba ang aura ni Rain. Shocks parang nabuhay ulit ang demonyo niya sa katawan. Lumapit siya sa akin at nakipagcheers.

"Drink it, Amantha." he said seductively.

I shook my head, "No I won't." I said.

He just shrugged. Nagulat ako kasi hindi man lang niya ako kinulit o di man lang niya ako pinagtripan.

"Gusto mo bang maglakad lakad?" yaya niya sa akin.

Wow ang bait niya ata talaga ha. Nakakaduda na!

Nasa likod kami ng venue. Hindi masyadong rinig ang ingay galing sa loob dito at wala ring katao tao.

Hala, baka ma rape ako dito. Napatingin ako kay Rain at tumawa lang siya.

"Don't worry I won't hurt you,Amantha." he said.

"Hindi ako naniniwala sayo. hmp"

"Fine."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko at nilagay niya ito sa balikat niya, naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko at dahan dahan siyang gumalaw.

Hindi ko alam kung bakit ako sumasabay sa bawat galaw niya. Wala namang tao dito bakit pa ako nagpapanggap pa.

Tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ko maiwasang magduda sa ipinapakita niya ngayon. Hindi ito ang nakilala kong Rain Xander Lorcan.

I smiled. Alam kong kakasayaw lang namin kanina pero iba kasi ito. Sumandal ako sa dibdib niya at pinikit ko ang aking mga mata.

Sadyang ang pintig ng puso lang ni Rain ang naririnig ko, ang sarap lang pakinggan. Why was he acting sweet all of a sudden?

"Amantha, you're making it hard for me to stop myself." Rain said.

Humigpit ang pagkakayakap ko kay Rain. "Hmm...."

Huminto si Rain sa pagsasayaw. "Please don't stop, Rain." I don't know why I say those words but I wanted him to continue. Gusto ko lang ng ganito muna.

He just nod and keep swaying.

"Amantha."

Huminto kami sa pagsasayaw at tumingin ako sa kanya.

"Can you do me a favor ?" he said sincerely.

"What is it?" tanong ko sa kanya. Parang kinabahan ata ako sa pabor niya. Sana naman hindi iyon mahirap.

"Can you be my girlfriend?" he asked me.

Parang nabingi ako bigla, ewan gulat na gulat ako sa tanong niya. Seryoso ba siya? Yumuko ako. Sh*t bakit sa lahat ng pwede niyang ipagawa ay yan pa. Papayag ba ako o hindi ? Baka kasi magsisi ako sa huli.

Ms. Liar Loves Mr. Pervert (On going)Where stories live. Discover now