MLM 21: DECISIONS

75 1 0
                                    

SUMMER's POV:

Apat na araw nalang ang natitira tapos nasa business trip si Rain. Tsk nakakabadtrip naman.

Pero kahit na nasa trabaho siya tinatawagan at tinitext parin niya ako para kumustahin. HEHEHE ang sweet niya no?

Nagbeep ang phone ko kaya kinuha ko ito baka kasi Rain yun.

Nawala ang ngiti ko, isang unknown number ang nagtext sa akin.

-----------------------------------------------------------
Are you still finding your father? Meet me at Sky Cafe , 10 am.
-----------------------------------------------------------

Err sino naman to? Baka scam to ha?! Pero bakit niya alam na hinahanap ko ang papa ko?

Siguro kailangan kong pumunta doon para makasigurado, wala naman sigurong mawawala kung pupunta ako doon.

~
Nung nakarating na ako sa Sky Cafe tinext ko yung sender at nagreply naman agad siya.

Nakapulang dress daw siya. So babae pala yung sender.

Hinanap ko agad yung sender, madali ko siyang nahanap dahil narin walang ibang nakapula maliban sa isang babaeng maputi na nakatalikod, nakaupo siya sa dulo.

Lumapit ako.

"Hi?"

Lumingon siya. May suot itong malaking sunglasses kaya hindi ko masyadong mamukhaan. Sumenyas siya na umupo ako.

Pepe ba to?

"Well, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Miss. Bakit mo alam na hinahanap ko ang papa ko?"

Tinanggal niya yung sunglasses. Nagulat ako na si Casey pala ang kaharap ko.

"C-casey?"

"Hmm sikat na pala ako dito? Well, hindi narin naman ako magtatagal. Do you want to see your father, right?"

"Ba~bakit mo alam na~tsk. Nasaan siya?"

"Hahaha kala mo ganun lang yun kadali? Syempre may kapalit yun."

"Kapalit? Niloloko mo ba ako?"

"I'm not like that Summer! I know your father very well. In fact, nasa amin siya."

"Tsk paano naman ako maniniwala sayo."

"Did Xander said that I'm the second daughter of the four royalties?"

"The four Royalties?"

"Yes."

"Anong kinalaman ng papa ko dito?"

" Well, yung papa mo wala pero ikaw meron. So, ito ang deal. Sasabihin ko sayo kung sino ang papa mo pero kailangan mong hiwalayan si Xander!"

Tumayo ako.

"No way!"

"Well, it's up to you Summer. I will give you 3 hours to think."

Tumayo siya at tumalikod sa akin.

"I know your true status with Xander and I'm sure you will break up soon."

~

Lutang parin ako sa sinabi ni Casey sa akin. Hindi ko alam kong totoo iyun o baka laro niya lang para makuha niya sa akin si Rain.

Gustong gusto kong makilala si Papa at itanong kung bakit niya kami iniwan ni mama.

Isang oras nalang at dapat may desisyon na ako. Shit!

Ms. Liar Loves Mr. Pervert (On going)Where stories live. Discover now