MLM 28: I'am with him

22 1 0
                                    

"He says that, they having a party this night. We are all invited...." sabi ni Matt

Party?

~

Ngayong gabi, dadalo kami sa isang party napag usapan rin namin na walang ibang makakaalam ng aking pagkatao dahil napakadelikado. Noong una ayaw kong dumalo dahil alam kong may gagawing masama si Casey sa akin ngunit nariyan sila Rain at handa akong iligtas.

"R-Rain ang ganda nitong gown ko baka~" inikot ko ang gown ko.

"Perfect.." hinalikan ako ni Rain.

"T-Thank you." grabe namumula na ang mukha ko di dahil sa blush kundi sa kilig.

"Amantha, I want you to meet my dad ." he said.

humarap ako sa salamin at tinignan ko ang aking sarili.

"Magugustuhan ba niya ako? I mean bilang girlfriend mo." Rain hug me from my back.

"Yes, he really do. I know he likes you." he assure me.

"Sana." mahina kong sabi.

~

Nasa party na kami at napaka engrande talaga, ano ba naman ang aakalain mo sa mga mayayaman diba? Ang laki ng chandelier doble ang laki nito sa chandelier nila Rain. Lahat ng furniture ay puro ginto at ang mga bulaklak ay rosas na itim. Grabe para akong nasa magical world.

Nakita namin sila Matt at Max na nakaupo sa VIP table. Lumapit kami at parang may senenyas si Max kay Rain kaya napatingin na rin ako sa tinutukoy nila.

Nakita ko ang papa ni Rain na nakatingin sa amin. Titig palang ni Mr. Lorcan parang kinakabahan ako, iba kasi ito dahil ipapakilala niya ako hindi bilang maid kundi bilang nobya, nakakaloka sana sumang ayon ang mga angel sa langit na maging okay ang lahat.

Hinawakan ni Rain ang bewang ko kaya tumango ako at lumapit kami ni Mr. Lorcan. Nasa harapan na kami ni Mr. Lorcan pero hindi parin siya kumikibo at nakatitig lang siya sa akin.

"Dad." tawag ni Rain kaya napalingon ito sa anak niya.

"Your with my ex P.A." maikli niyang sagot. Napayuko ako kaya humigpit ang pagkakahawak ni Rain sa bewang ko.

"She's my girlfriend, Dad." matapang niyang sabi.

"Well, nice to meet you again Summer. But if you dont mind he's getting married to Casey. " sabi ni Mr. Lorcan then binaba niya ang wine glass at umalis ito sa aming harapan.

Napako ako sa aking kinatatayuan at nakita ko ang gulat at galit na mukha ni Rain, napakiyom ang kanyang kamao kaya hinawakan ko ito at ngumiti.

"Okay lang Rain naiintindihan ko ang Daddy mo baka nagulat lang at hindi matanggapan ang nangyayari." paliwanag ko kay Rain at kumalma naman siya.

"Sorry, Amantha. I know this is not the right time but he's not like that. There's something bothering him." he said and sigh.

"Let's go, maybe let's forget it and enjoy this night." I cheer him up.

Umupo kami ni Rain sa VIP table at ako lang ang babae kaya pinagtitinginan ako, syempre hindi ako si Casey diba? Dahil ang alam ng lahat, sila pa ni Rain at Casey kaya mukhang kabit ako ngayon dito at ang isa pang dahilan hindi ako royal blood para umupo rito.

"She's the slut who flirting Lord Rain."
"Why she's sitting there? Diba para lang yan sa mga royal blood?"
"Mukha siyang social climber pumapatol sa mga mayayaman para umangat sa buhay."

Iilan lang yan sa narinig ko sa mga taong narito hindi ko alam kung bulong bulungan iyon o sadya dahil naririnig ko talaga. Napakiyom ang kamao ko, naiinis ako dahil wala akong magawa dahil ganito lang ako at matataas sila.

Ms. Liar Loves Mr. Pervert (On going)Where stories live. Discover now