Chapter 11

6 2 0
                                    


Inihagis ko na lahat ng libro na hiniram ko pa sa library kanina para lang makapag aral sya tapos hindi lang pala nangyari dahil don sa mga pinaggagawa nya, bwiset na bwiset talaga ako!

"Oh honey what happened?" Salubong ni dad sakin at bigla nalang kumunot yung noo ko

"dad can you pls stop calling me honey may naalala kasi ako Pag tinatawag mo ako nun e"

"Who?" natatawa pa sya habang sinasabi kasi alam nya naman kung sino tumatawag sakin nun e parang nang-aasar pa sya

"Dad naman e.."

"Haha..okay-okay sorry hindi na po mauulit hon–lea.."

Tapos umalis na sya tapos napatingin ako sa libro at naalala ko yung kagagohan nya kaya tinapon ko na yun at padabog na humiga sa kama ko at pinilit Kong matulog.



Nagising ako dahil sa ingay sa labas sinilip ko naman sa bintana kung saan makikita ko ang bahay nina Ethan, may kotse don na alam ko naman na hindi yun sa kanila at sino naman kaya yun? Medyo sobrang gabi narin kasi para ngayon lang dumating sina Ethan  at tita Veronica, diba? Hhrr..stop thinking bukas mo na yun iisipin..

  ~*~

Sakto na paglabas ko dumaan na yung kotse na nakita ko kagabi, sino naman kaya yun?

"O, Lea kapatid mo? Mali-late na kayo at ako rin alam mo naman na may flight ako mamaya patungo sa Macau diba!?"

Bumuntong hinga naman ako kasi aalis na naman si dad, as always..

"I'm here!" Masiglang sabi ni MJ, Ewan ko kung bakit!?

Pagkadating namin sa school, wala namang bago hinatid ko na yung kapatid ko at ako naman tumungo narin sa classroom namin

Pero bigla naman nakuha yung attensyon ko don sa Babae na kulay tsokolate yung buhok na katabi pa ni Ethan at masaya silang nagkwe-kwentuhan, ngayon ko lang yan nakita na ganyan..kahit magkaibigan kami hindi yan ganyan ka saya.

Palapit ako ng palapit sumisikip naman ng sumisikip yung dibdib ko, parang ayaw ko na ngang pumasok e.

At napansin naman ni Ethan yung pagdaring ko, akala ko nga hindi e.

"Lea" masiglang bati nya, ngumuti naman ako ng mapait sana hindi nya napansin

"Oo nga pala meet my childhood best friend Elise Falcon, tyaka Elise meet my best friend Lea Cruz"

"Hi.." Mahinhin na sabi naman ni Elise, para syang angel na basta-basta nalang nahulog sa langit at sobrang ganda nya din at parang mabait rin..

"Hello" sabi ko narin at umupo na dij ako sa likuran nila at salamat naman na wala ngayon si Mark, walang bwesit ngayon pero na bwe-bwesit naman ako sa naririnig ko ngayon, ang sarap ng tawaman nila at nagseselos ako dahil hindi naman ganyan makipag tawanan sakin si Ethan e

Pinilit kong matulog muna sa mesa pero rinig na rinig ko padin yung tawa nilang dalawa! Tiningnan ko yung relo ko five minutes nalang magsisimula narin kami

Pero natapos nalang yung limang minuto na yun wala paring prof na dumadating dito at hindi ko na kaya babagsak na yung luha ko bat ba iyakin ako!? Kaya umalis na nalang ako pero hindi pa nga ako nakalabas ng tuluyan tinawag na ako ni Ethan

"Ano?" Tanong ko naman habang nagpipigil parin, nandon parin yung ngiti sa mukha nya

"San ka pupunta?"

"Wag kang mag-alala hindi naman ako mawawala e, tyaka enjoy na enjoy ka naman dyan aalis muna ako" at tuluyan na nga akong umalis pero pakiramdam ko dapat hindi ako nagmura sa kanya kanina, e hindi ko naman yun sinasadya nagseselos ako.. Selos na Selos

Dumaretyo ako sa powder room tumulo na yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan nagkalat tuloy yung mascara sa pisngi ko at pinunasan ko na yung mukha ko at hindi na rin ako nag lagay pa nun, I bun my hair in a messy way at lumabas narin

I decided na pupunta muna ako ng library para isa uli ko muna tong mga gagong libro nato!

Pero parang ang malas ko talaga bakit pa nandito si Jared hah!? Hindi pa nga ako narecover don sa isa at Ito na naman!

"Honey!" Sigaw nya pa sabay ngiti at bigla naman sya sinita ng librarian, kaya dali-dali ko naman binigay yung mga libro at pinirmahan ko na yung permission sheet at dali-dali akong lumabas wala ako sa mood ngayon para bwesitin na naman ako!

Pero nung saktong lumabas na ako bigla nyang hinawakan yung braso ko at pinaharap nya ako sa kanya

"Ano ba!" Sigaw ko

Yung ngiti na nakita ko kanina bigla yun nawala

"Bat namumula yang mga mata mo? Umiiyak ka ba?" Galit nyang sabi, ano bang pake nya dyowa ko ba sya?

"Bitawan mo nga ako" sabi ko at sinubukan kong itulak sya pero hindi ako parin ako binitawan

"Sino???" Madiin nyang sabi na alam ko na kahit anong oras sasabog na sya, pero hindi parin ako sumagot sa kanya at tumingin ako sa ibang direksyon, ayaw kong may gagawin si Jared sa kapatid nya dahil ako naman may kasalanan e kung bat ako umiiyak kung bat ako nasasaktan dahil umu-asa ako diba sobrang tanga ko na! "Si Ethan ba?!! Lea?"

"Its none of your business Jared! Kung umiiyak man ako wala kang pake at isa pa sino ka ba para magalit? E isa ka lang namang gago sa buhay ko!"

Hindi lang sya sumagot at ngumiti lang sya pero ramdam ko yung sakit na raramdaman nya dahil yun yung sinasabi ng mga mata nya, kaya parang na guilty ako at itinulak ko nalang sya

The Truth UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon